Pinangunahan ng Provincial School Board ang isinagawang flag raising ceremony nitong nakaraang Lunes upang talakayin ang ilan sa mga usaping edukasyon sa lalawigan. Iniulat ni Chief of School Governance and Operations Division, Elizabeth De Villa ang ilan sa mga isinasagawang proyekto ng kanilang tanggapan gayundin ang mga nakakamit na karangalan ng lalawigan. Kabilang din dito ang ilan sa mga isasagawa pang aktibidad tulad ng culminating activity na gaganapin sa Legazpi City, Albay sa ika-5 ng Oktubre alinsunod sa selebrasyon ng World Teacher’s Day kung saan kakatawan ang 250 na mga participants mula sa division of Quezon. Dagdag pa ni De Villa, nakatakda na rin sa ika-29 ng Setyembre ang pagsasagawa ng ika-4 na taon ng DEPED Quezon Excellence Award kung saan bibigyang parangal ang ilan sa mga natatanging guro, school heads at mga estudyante ng lalawigan. Nagpasalamat din siya sa buong pusong suporta na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang tanggapan. Samantala, iniulat naman ni Chief of Staff, Webster Letargo, na mayroong mas malaking pondo na nakalaan para sa mga proyektong pang-edukasyon alinsunod sa magandang koleksyon ng Real Property Tax ng lalawigan na iniulat naman ni Gob. David C. Suarez sa kanyang State of the Province Address kamakailan. Aniya, ang mga proyektong nakalatag para sa mga Quezonian mula pa lamang sa kanilang pagsilang hanggang sa kanilang pag-aaral ay mahigpit na tinututukan ng gobernador para sa kaunlaran ng lalawigan. “Ang atin pong gobernador at ang kanyang paglilingkod ay pagmula sa conception may proyekto na po tayo tulad ng Q1K hanggang sa makapag-aral mula daycare hanggang kolehiyo, may scholarship programs po tayo at hanggang sa makapagtrabaho mayroon po tayong mga nakalaan na proyekto.” ani Letargo. Ayon naman kay Provincial Administrator Romulo Edaño Jr., malaking papel ang ginagampanan ng bawat mamamayan sa tagumpay na tinatamasa ng lalawigan lalo’t higit sa mga kwento ng tagumpay ng mga scholars at mga guro mula sa iba’t-ibang bayan. “Hindi po natin maisasakatuparan ang mga ito kung hindi sa pakikiisa natin at ng Department of Education. Makakaasa po kayo na hindi titigil ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Suarez sa patuloy na pagpapa-unlad ng sektor ng edukasyon sa ating lalawigan.” pagtatapos ni Edaño. (Quezon-PIO)
Pagpapatibay sa sektor ng edukasyon sa lalawigan, tinalakay sa flag raising ceremony
GOV. SUAREZ, NAG-ULAT SA KANYANG IKA-7 NA STATE OF THE PROVINCE ADDRESS
VIEW ALL >>
 
 
 
 
Follow us on
  Like us on Facebook Follow us on Twitter Subscribe on our Youtube Channel Follow us on Issuu  
Welcome to our page! Feel free to go through our website and browse.