37th Anniversary Stakeholders’ Recognition
Link: https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=526088473701515&rdid=03TbxgvsyiRY5vSy
Bureau of Local Government Finance
Link: https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=526088473701515&rdid=03TbxgvsyiRY5vSy
Bureau of Local Government Finance
FREE ADMISSION? TARA NA
Ilang araw na lang ang pinaka unang home game ng Tangerines. #ParaSaQzn
Quezon Convention Center (Lucena City)
Quezon Tangerine
TINGNAN: Malugod na dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan ang isinagawang “Inauguration of Advanced Comprehensive Cancer Care Center” na ginanap ngayong araw ng Martes, Oktubre 8 sa East Avenue Medical Center, Quezon City.
Pangunahing misyon ng nasabing programa na magbigay ng komprehensibong serbisyo, mahusay at dekalidad na medikal para sa pangangalaga at paggamot sa lahat ng pasyenteng tutungo sa nasabing ospital.
Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at mga eksperto sa larangan ng pangkalusugan ay inaasahan ang patuloy na pagbibigay ng taos-pusong suporta at pagpapagamot sa mga pasyenteng Pilipino na apektado ng sakit na kanser.
Ang naturang East Avenue Medical Center (EAMC) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Health (DOH) ay magbibigay ng mga serbisyong pang-medikal sa Radiation Oncology na kinabibilangan ng CT Simulation, External Beam Radiation Therapy, at Brachytherapy.
Ang Medical Oncology naman ay nag-aalok ng mga serbisyo tulad ng Chemotherapy, Immunotherapy, at Targeted Therapy. Habang ang Nuclear Medicine ay nakatuon sa mga pamamaraan tulad ng Radioimmunoassay, Myocardial Perfusion Imaging, Bone Densitometry, Bone Scans, Parathyroid scan, Sentinel node scan, Gamma Probe, Thyroid Scans, Renal Scans, at PET/CT.
Samantala, ang Breast Care Center ay magbibigay ng Mammograms, Breast Ultrasounds, Stereotactic Biopsies, at Minor Surgery.
Quezon PIO
Halina’t makiisa at makisaya sa makulay na PASKONG QUEZONIAN 2024.
Sama-sama nating ipagdiwang ang makabuluhan at hindi malilimutang kasiyahan sa ating lalawigan.
Narito ang mga patimpalak para sa mga QUEZONIANS hatid ng ating minamahal at ginagalang Gov. Angelina “Dra. Helen” DL Tan, kaisa ng bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Anacleto “Third” Alcala na pinangasiwaan ng Tanggapan ng Panlalawigang Turismo.
-Noche Buena Dish Cooking Contest
-Parol Making Contest
-Bibingka Cooking Contest
-Dance Contest
-Puto Bumbong Cooking Contest
-Most Innovative Cacao Product
-Search for Most Innovative Coffee Product
-Christmas Chorale Contest
Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa Quezon Provincial Tourism Office.
#paskongquezonian2024
#TaraNaSaQuezon
Quezon PIO
Matagumpay na isinagawa ang JOB FAIR na pinangunahan ng Provincial Government of Quezon – PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE (PESO) katuwang ang ROTARY CLUB OF LUCENA CENTRAL na may temang “Handog Trabaho mula sa Rotaryo” sa Event Center, 3rd Floor SM City Lucena nitong Biyernes, Oktubre 4, 2024.
Layunin ng programa ang patuloy na makapagbigay ng oportunidad sa bawat JOBSEEKERS na makahanap ng trabahong angkop sa kanilang kakayahan at interes.
Sa kabuuan, umabot sa 431 mga Jobseeker ang dumalo na binubuo ng 252 nababae at 179 na lalaki galing sa iba’t-ibang bayan ng Quezon.
Samantala, nasa 28 ang nahired on-the-spot mula sa 14 na kumpanyang nakiisa sa programa.
Naging kabalikat din ng mga nanguna sa paglulunsad ng programa ang ilan sa mga government agency na nagbigay ng tulong sa mga aplikante upang maisagawa ng maayos ang daloy ng pag-aapply.
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO
TINGNAN: Para sa mahusay na pamamahala at pagseserbisyo sa Lalawigan ng Quezon, pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang pagpupulong kasama ang mga punong tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw, Oktubre 7.
Napag-usapan ang mahahalagang programa at proyektong hatid ng mga tanggapan na layong tumugon sa mga pangangailangan ng mga Quezonian para sa mas maunlad nilang pamumuhay.
Asahan naman ang walang sawang pagbibigay ng sapat at nararapat na tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO
Binisita ni Governor Doktora Helen Tan ang Camp Nakar Station Hospital ngayong araw, Oktubre 7 upang kumustahin ang on-going construction nito.
Ito’y may tatlong palapag, pharmacy, at out-patient department na malaking bagay sa pagtugon sa mga residenteng nangangailangan ng medikal na atensyon. Nagmula naman ang pondo sa General Appropriations Act 2024 na nagkakahalagang P75,656,000.
Ayon kay Gov. Tan, ang nasabing ospital ay nais maging parte ng Hospital Network upang mas mapalawak pa ang referral system ng mga pasyente sa lalawigan ng Quezon.
Kasama namang naglibot sa gusali sina SOLCOM Chief LTGEN Facundo O Palafox IV, AFP HSCtr-SL Acting Chief COL Nerio C Zabala, at ilan pang kawani mula sa SOLCOM.
Samantala, kasabay na ipinagkaloob kay Gov. Tan ng isang military achievement medal bilang simbolo ng pasasalamat sa patuloy na pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa AFP.
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO
TINGNAN: Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa ika-35th National Statistics Month na may temang “Advancing Data and Statistics Through Digital Transformation: A Road to an Empowered Nation” sinimulan na ngayong araw, Oktubre 7 ang unang aktibidad para sa selebrasyon.
Matatagpuan sa Ground Floor, Quezon Provincial Capitol ang mga ginawang Statistical Bulletin Board ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan na kalahok para sa kompetisyon. May kanya-kanya namang agaw pansin na disenyo ito at makikita ang ilang datos kaugnay sa lalawigan ng Quezon.
Maaaring bisitahin ang naka-display na Statistical Bulletin Boards mula Oktubre 7 hanggang 29, 2024.
Abangan din ang iba pang inihandang aktibidad para sa selebrasyon ng National Statistics Month.
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#35thNationalStatisticsMonth
Link – https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid0mMzWm3vJit7QLb3CQX3cTqJN49XrxTz8jM5a4Bdo7BkiQN5DHFRXUVR3aLy3FBXfl
Quezon PIO
Sa patuloy na pagnanais ng Sangguniang Panlalawigan na lalong mapabuti ang mga mamamayang Quezonian, isinagawa ang ika-117 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Oktubre 7 via zoom conference. Pinangunahan ni Vice Governor Third Alcala ang nasabing session kasama ang mga board member at ilang pinuno ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan. Naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, atas tagapag paganap at iba pang liham, alinsunod sa mas lalo pang pag-unlad ng lalawigan ng Quezon. Naglahad ng kani-kanilang ulat ang mga punong tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, at opisyal na inaprubahan ng Sanggunian na gawing Special Non-working Holiday ang Nobyembre 4 bilang paggunita sa taon ng kamatayan, kabayanihan at sakrispisyo ni Apolinario Dela Cruz o mas kilala bilang Hermano Puli.
Quezon PIO
Link – https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/2031314757299890
Link – https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/509226561908259
Quezon PIO