NEWS AND UPDATE

148th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | May 19, 2025

148th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | May 19, 2025

Pormal na ginanap ang ika-148 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Mayo 19 sa Sangguniang Panlalawigan Building Governor’s Mansion Compound, Lucena City.
Dumalo rito ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan kung saan naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, Atas tagapag paganap at iba pang liham, alinsunod sa higit pang pagpapaunlad at pagpapatatag ng lalawigan ng Quezon.
Kaugnay nito, idineklarang wasto ang ordinansa na isinulong ni Board Member at Committee on Education Hon. Claro M. Talaga, Jr. ang liham mula kay Governor Doktora Helen Tan na humihiling ng pag-apruba sa isang resolusyon na nagbibigay pahintulot sa kanya na makipagkasundo sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Southern Luzon State University (SLSU) para sa pagpapatupad ng Rapid Appraisal Analysis ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).
Samantala, aprobado ang ordinansa na isinulong ni Board Member at Committee on Disaster Management Hon. Vinnette Alcala-Naca ang isang resolusyon na nagbibigay ng awtorisasyon sa Punong Lalawigan na makipagkasundo sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, kasama ang iba’t ibang Lokal na Pamahalaan (LGUs), para sa layuning maisulong ang kapwa pagbabahagi ng teknikal na tulong at mapahusay ang bisa ng mga gawain kaugnay ng kahandaan, pagtugon, at pagbangon mula sa mga sakuna.
Ang mungkahing ito ay alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 10121, na mas kilala bilang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid02LziiPboPCwBN5jvyTcVxyvwRpJr8FvrDzusygi4iQcxZ7Fhv3L4ze9hMkbMiPDG1l

#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Arteriovenous (AV) Fistula Caravan Screening sa QPHN- Quezon Medical Center, Lucena City | May 19, 2025

Arteriovenous (AV) Fistula Caravan Screening sa QPHN- Quezon Medical Center, Lucena City | May 19, 2025

TINGNAN: Matagumpay na isinagawa ngayong araw ng Lunes, Mayo 19 ang Arteriovenous (AV) Fistula Caravan Screening sa QPHN- Quezon Medical Center, Lucena City.
Tinatayang mahigit 70 na pasyente mula sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Quezon ang sumailalim sa nasabing screening.
Samantala, asahan ang tuloy-tuloy na pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) upang masiguro na nabibigyan ng angkop na serbisyong medikal ang bawat Quezonian na nangangailangan.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/1ExV1TXpG3/

#SerbisyongTunayAtNatural
#QuezonProvince
#HEALINGQuezon
#SurgicalCaravan2025
#AVFistula


Quezon PIO

Flag Raising Ceremony hosted by the Quezon Provincial Legal Office | May 19, 2025

Flag Raising Ceremony hosted by the Quezon Provincial Legal Office | May 19, 2025

Sa muling pagsisimula ng panibagong linggo ng paglilingkod sa lalawigan ng Quezon pinangunahan ng Quezon Provincial Legal Office (QPLO) sa pamumuno ni Atty. Julienne Therese V. Salvacion ang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw ng Lunes, Mayo 19 sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Sa ngalan ni Governor Doktora Helen Tan dinaluhan ito nina Vice Governor Third Alcala at Provincial Administrator Manny Butardo kasama ang mga Pinunong tanggapan at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan kung saan nagbahagi ang naturang tanggapan ng kanilang Accomplishments para sa first semester ng taong 2025.
Bilang pagbibigay ng pagpapahalaga sa pamanang Lokal at Komunidad kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagdiriwang ng National Heritage Month katuwang ang Quezon Provincial Tourism Office ay isasagawa ang PAMANANG QUEZONIAN Seminar/Workshop on Cultural Sensitivity Cultural Mapping and Heritage Inventory and Understanding the Flag and Heraldic Code of the Philippines na gaganapin sa Mayo 20 hanggang 23 sa St. Jude Coop. Event Center, Tayabas Quezon.
Samantala, ang Cooperative Development Office katuwang ang Office of the Provincial Agriculture (OPA) ay nagkaloob ng Livelihood and Enterprise Program Assistance sa dalawang kooperatiba, ito ay ang Umiray Agrarian Reform Beneficiaries Order of Multi-Purpose Cooperative na nakatanggap ng 500,000 para sa agri-loan program at Lucban Farmers Agriculture Cooperative na nakatanggap ng 200,000 para sa vegetable trading program.
Sa pagtatapos, muling nagbigay ng paalala si Vice Governor Third Alcala na laging umpisahan ang paglingkod sa ating mga kalalawigan na may ngiti sa ating mga labi.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/1AWuwCL2Nw/

#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

NIYOGYUGAN FESTIVAL 2025! | May 19, 2025

NIYOGYUGAN FESTIVAL 2025! | May 19, 2025

Quezonian, Niyogyugan na!
Tara at makiisa sa pagdiriwang ng NIYOGYUGAN FESTIVAL 2025!
Saksihan ang iba’t ibang patimpalak sa District Competition na magpapaindak, magpapabilib, at magpapa-malas ng tunay na talentong Quezonian.
𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻𝗶𝗮𝗻 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁
June 3, 2025 – 1:00 PM
-Lucban Gymnasium Brgy. Tinamnan, Lucban Quezon
June 9, 2025 – 1:00 PM
-Bulakin 2, Event Center, Dolores Quezon
June 10, 2025 – 1:00 PM
-Agdangan Central Elementary School Brgy. Poblacion Uno, Agdangan Quezon
June 11, 2025 – 1:00 PM
-Bulwagang Manuel Luis Quezon Municipal Plaza Brgy. Poblacion Dos, Calauag Quezon
𝗖𝗼𝗰𝗼 𝗭𝘂𝗺𝗯𝗮 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁
June 17, 2025 – 1:00 PM
-Lucban Gymnasium Brgy. Tinamnan, Lucban Quezon
June 18, 2025 – 1:00 PM
-Bulakin 2, Event Center, Dolores Quezon
June 19, 2025- 1:00 PM
-Agdangan Municipal Covered Court Agdangan, Quezon
June 20, 2025- 1:00 PM
-Evacuation Center l, New Municipal Building Site, Brgy. Pinagbayanan Calauag, Quezon
𝗟𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗼𝗴 𝗠𝗶𝘅𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆
June 17, 2025 – 3:00 PM
-Lucban Gymnasium Brgy. Tinamnan, Lucban Quezon
June 18, 2025 – 3:00 PM
-Bulakin 2, Event Center, Dolores Quezon
June 19, 2025- 3:00 PM
-Agdangan Municipal Covered Court Agdangan, Quezon
June 20, 2025- 3:00 PM
-Evacuation Center l, New Municipal Building Site, Brgy. Pinagbayanan Calauag, Quezon
Kitakits quezoniaaaaan!

𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘶𝘱𝘥𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘪𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘰 𝘪𝘧𝘰𝘭𝘭𝘰𝘸 𝘢𝘯𝘨 Tourism Quezon Province

#NiyogyuganFestival2025
#KulturangQuezonian
#Cocozumba
#LambanogMixology


Quezon Tourism

QPHN-QMC Renewed as a Certified rHIVda Confirmatory Laboratory | May 19, 2025

QPHN-QMC Renewed as a Certified rHIVda Confirmatory Laboratory | May 19, 2025

Muling kinikilala ang QPHN-Quezon Medical Center bilang isang certified rHIVda Confirmatory Laboratory!
Ang muling pagpapatunay na ito ay nagpapatibay sa ating pangako na magbigay ng maayos at maaasahang resulta sa pagsusuri ng HIV, at nagpapalakas sa ating kakayahan na suportahan ang ating komunidad sa laban kontra sa sakit na ito. Patuloy ang QPHN-QMC sa paglilingkod nang may integridad at kahusayan.


QPHN-QMC

Surgical Caravan 2025: Cholecystectomy | May 17, 2025

Surgical Caravan 2025: Cholecystectomy | May 17, 2025

PANOORIN: Ang labis na pasasalamat ng isang kalalawigan natin mula sa bayan ng Plaridel Quezon, matapos siyang maging benepisyaryo ng libreng operasyon sa bato sa apdo sa ginanap na Surgical Caravan 2025: Cholecystectomy, nitong nakaraang Abril 11 sa Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC) Lucena City.

Watch here: https://www.facebook.com/share/v/16DAJDCJDo/

#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#SurgicalCaravan2025


Quezon PIO / QPHN-QMC

Kilatis Kutis at STI-HIV/AIDS Screening for Persons Deprived of Liberty (PDL) | May 16, 2025

Kilatis Kutis at STI-HIV/AIDS Screening for Persons Deprived of Liberty (PDL) | May 16, 2025

Noong Mayo 9, 2025, matagumpay na naisagawa ng Provincial Health Office (PHO) ang Kilatis Kutis at STI-HIV/AIDS screening sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Lucena City. Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng Leprosy at STI-HIV/AIDS Prevention and Control Program na layuning matukoy ang mga kaso sa pinakamaagang yugto.
Bukod sa pagsusuri, nagsagawa rin ang PHO ng health education sessions para palawakin ang kaalaman ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ukol sa mga sintomas, pag-iwas, at paggamot sa leprosy at HIV/AIDS—kasama na rin ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-unawa at pagtanggap sa mga may ganitong kondisyon.
Muling pinatunayan ng aktibidad na ang kalusugan ay karapatan ng lahat—anuman ang estado sa buhay—at sa tulong ng pagtutulungan ng mga institusyon, maaari tayong makabuo ng isang lipunang may malasakit at pagkakapantay-pantay.


Quezon PIO / QPHO

Ikatlong Surgical Caravan ng QPHN-Quezon Medical Center | May 16, 2025

Ikatlong Surgical Caravan ng QPHN-Quezon Medical Center | May 16, 2025

Ngayong ika-16 ng Mayo, 2025, isang araw ng pag-asa at kagalingan ang hatid ng ikatlong Surgical Caravan ng QPHN-Quezon Medical Center!
Ang ating mga dedikadong doktor, nars, at buong surgical team ay walang pagod na naglilingkod sa ating mga kababayan. Bawat operasyon na isinasagawa ay hindi lamang pagtanggal ng sakit, kundi pagbibigay din ng bagong pagkakataon para sa mas malusog at masaganang buhay dito sa ating probinsya ng Quezon.
Ang bawat pasyenteng tinutulungan ngayon ay sumasalamin sa diwa ng tunay na serbisyo publiko at malasakit ng QPHN-QMC. Ang araw na ito ay patunay ng ating kolektibong pagsisikap na maabot ang mga nangangailangan at magbigay ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan. Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng bawat operasyon at patuloy na suportahan ang ganitong mga makabuluhang programa para sa ating komunidad!


QPHN-QMC

Thunderstorm Advisory No. 25 | May 16, 2025

Thunderstorm Advisory No. 25 | May 16, 2025

𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟐:𝟓𝟒 𝐏𝐌, 𝟏𝟔 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓(𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲)
Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na bugso ng hangin ang nararanasan sa Quezon (Quezon, Gumaca, Plaridel, Atimonan, Unisan, Pitogo, Agdangan, Padre Burgos, General Nakar, Pagbilao) na maaaring magpatuloy sa susunod na dalawang oras at makaapekto sa mga karatig na lugar.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa posibleng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Patuloy na mag-monitor sa mga karagdagang updates.


Quezon PDRRMO