GINOONG NIYOGYUGAN HEALTH AND WELLNESS 2023 – Mr. Jonas Harina
We are so proud of you for winning the title of Mr. Grand Philippines 2024 Culture, and for graciously representing the Quezon Province. Keep shining!
Quezon Tourism
We are so proud of you for winning the title of Mr. Grand Philippines 2024 Culture, and for graciously representing the Quezon Province. Keep shining!
Quezon Tourism
Iba’t-ibang kinatawan mula sa bawat kooperatiba ng samahan ng mga magniniyog sa buong Luzon ang nagtipun-tipon nitong ika-13 hanggang ika-14 ng Nobyembre 2024 sa St. Jude Cooperative Hotel, Lucena City, Quezon bilang pakikiisa sa taunang 𝙇𝙪𝙯𝙤𝙣𝙬𝙞𝙙𝙚 𝘾𝙤𝙘𝙤𝙣𝙪𝙩 𝙁𝙖𝙧𝙢𝙚𝙧𝙨 𝘾𝙤𝙤𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚𝙨 𝙎𝙪𝙢𝙢𝙞𝙩 kung saan napili ang Quezon na maging katuwang sa pamamalakad ng nasabing aktibidad sa buong rehiyon.
Isa sa mga layunin nito ang maipakilala ang mga coconut-based products na gawa ng mga kooperatiba at maiugnay sila sa ilan sa mga stakeholders at malakihang merkado na makikiisa sa trade fair. Magkakaroon din ng palitan ng kuru-kuro pagdating sa plenary sa pagitan ng mga ahensya at kalahok sa nasabing programa.
Kabilang naman sa mga nakiisa si Provincial Agriculturist Liza Mariano na nagpaabot ng kanyang patuloy na pagsuporta sa mga kooperatiba at magsasaka sa lalawigan at buong Luzon.
Dagdag pa rito ang mga ahensya na naging daan upang maisakatuparan ang nasabing aktibidad gaya ng PCA, DTI at CDA na siya namang nanguna sa nasabing pagtitipon sa ilalim ng CFIDP.
𝘗𝘩𝘰𝘵𝘰𝘴 𝘤𝘳𝘦𝘥𝘪𝘵 𝘵𝘰: 𝘔𝘴. 𝘈𝘵𝘳𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘣𝘦𝘭𝘭𝘢 𝘰𝘧 𝘔𝘪𝘬𝘢𝘴𝘵𝘳𝘢 𝘍𝘢𝘳𝘮, 𝘔𝘢𝘤𝘢𝘭𝘦𝘭𝘰𝘯, 𝘘𝘶𝘦𝘻𝘰𝘯
Quezon OPA
𝐁𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚!
Abot-kayang presyo
Kalidad na produkto
Ligtas na pagkain at inumin
Kita-kits mga kadiwa!
Quezon OPA
Mas lumakas pa ang TROPICAL STORM MAN-YI habang patungong Kanluran Timog Kanluran
• Lokasyon: 1,375 km Silangan ng Hilagang Silangan ng Mindanao
• Lakas: Aabot ng 85kph malapit sa gitna
Pagbugso- Hanggang 105 kph
• Direksyon ng paggalaw: Patungong Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 25kph
• Maaari itong pumasok ng PAR ngayong gabi.
• Posible itong maglandfall sa Silangang baybayin ng Southern Luzon ngayong weekend (16 or 17 November).
Dahil wala pa sa loob ng PAR ang bagyo, kailangang alalahanin na maaari pa itong magbago ng direksyon ng landfall patungo sa mga baybayin ng Silangan ng Gitnang Luzon o sa mga Silangang baybayin ng Silangan ng Visayas.
• Hindi parin inaalis ang posibilidad na mas lumakas pa itong bilang Super Typhoon bago ang landfall scenario.
Pinapa-alalahanan at pinag-iingat ang lahat sa mga banta ng Malalakas na bugso ng hangin, buhos ng ulan na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa at mga dalayong ng alon sa mga baybayin ng dagat.
Quezon PIOTC Advisory NR. 4
Matagumpay na isinagawa nitong Miyerkules, Nobyembre 13, ang 4th Quarterly Meeting of Men Opposed to Violence Against Women and Children Everywhere (MOVE) sa pangunguna nina Mr. Bernardino P. Torno, President ng MOVE Quezon Chapter at ni Mr. Sedfrey Potestades, Assistant Head of Provincial Gender and Development ( PGAD).
Dinaluhan ito ng apatnapu’t limang mga kinatawan mula sa iba’t ibang Local Government Units (LGU) at mga Line Agencies ng Lalawigan ng Quezon.
Inimungkahi at inaprubahan ang mga paghahanda para sa darating na Men’s Day Celebration sa Nobyembre 28. Pinag-usapan din ang finalization ng mga plano, badyet, at bilang ng mga dadalo para sa Men’s Walk at ang programa para sa Men’s Day Celebration.
Tinalakay naman ang patungkol sa kalagayan ng lalawigan kaugnay ng mga insidente ng pang-aabuso sa kababaihan ng kanilang mga asawa o kinakasama, at muling ipinaalala ang kahalagahan ng pagbibigay proteksyon sa mga kababaihan at kabataan na biktima ng pang-aabuso, pati na rin ang pangangailangan ng mabilis na aksyon sa mga ganitong sitwasyon.
Asahan ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga programang tulad nito upang tuluyang maalis ang karahasan laban sa mga kababaihan at kabataan sa ating lalawigan.
Quezon PIO
SUPORTANG TUNAY AT NATURAL!
TINGNAN: Dagsa ang mga Quezonian basketball fans na nais makapanood ng
kapana-panabik na Do-or-Die Game 3 MPBL South Finals sa pagitan ng Quezon Huskers at Batangas City Tanduay Rum Masters sa Quezon Convention Center mamayang 7:00 ng gabi.
Tinayang nasa 1,500 na ticket ang ipamamahagi para sa lungsod ng Lucena at tig-100 tickets naman para sa bayan ng Pagbilao, General Luna, Padre Burgos, Atimonan, Plaridel, Tayabas, Lopez at Candelaria
Muling paalala, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pagbili ng naturang ticket.
Quezon PIO
TINGNAN: Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang 4th Quarter Meeting ng Regional Peace and Order Council (RPOC) IV-A na ginanap ngayong araw, Nobyembre 13.
Bilang chairperson ng RPOC, layunin ng Gobernadora na mas mapaigting ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga miyembro ng lupon gaya ng AFP, PNP, BFP, OCD, at DILG upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa buong CALABARZON Region.
Kabilang naman sa mga mahahalagang napag-usapan ang patungkol sa darating na 2025 National and Local Election, kung saan nais bigyang-pansin ang mga unregistered firearms. Gayundin ay tinalakay ang mga polisiyang isinasagawa para sa pagbibigay ng assistance sa mga nasasalanta ng kalamidad.
Quezon PIO
DALAWANG ARAW NA LANG MGA KALALAWIGAN!
Tara sa 1st Quezon Coffee Summit and Expo 2024 ngayong November 15-17.
Quezon PIO
Matagumpay na idinaos nitong ika-12 ng Nobyembre, sa Conference Hall ng Quezon Provincial Capitol ang Reintegration Education Campaign (Micro- Enterprise Mentoring Seminar for OFWs) sa pangunguna ng Department of Migrant Workers Region IV-A at Quezon Provincial PESO.
Dinaluhan ang nasabing programa ng apatnapu’t isa na OFW returnees na nagmula sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ng Quezon gaya ng Mauban, Sariaya, Candelaria, Padre Burgos, Atimonan, General Luna, at mula sa mga siyudad ng Lucena at Tayabas. Layunin ng programa na magbigay ng kaalaman at oportunidad sa bawat OFW returnees hinggil sa wastong pamamahala at pagpapaunlad ng kasanayan sa larangan ng pagnenegosyo.
Kaugnay nito ay nagpaabot ng mensahe at pagsuporta si Gov. Doktora Helen Tan sa pamamagitan ni Provincial Administrator, Mr. Manuel A. Butardo na nagsilbing kinatawan ng ating gobernadora. Nagbigay mensahe rin sina Regional Director ng DMW IV-A, Atty. April R. Casabuena at PGADH/ PESO Manager, Ms. Genecille P. Aguirre.
Quezon PIO
Dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan ang Natatanging Anak ng Gumaca 2024, Gabi ng Parangal na pinagtibay ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Kautusang Bayan Bilang 21-2012 sa Southern Quezon Convention Center, nitong araw ng Martes, Nobyembre 12
Bilang bahagi ng ika-442 taon ng San Diego De Alcala Gumaca Patronal Town Fiesta 2024 kinilala at pinarangalan din ngayong gabi ang mga personal na hindi matatawaran ang dedikasyon bilang residente at lingkod bayan sa Gumaca.
Kaya naman, itinalaga ng Gumaca Federation of Barangay Tourism si Governor Doktora Helen Tan bilang “Serbisyo Publiko” dahil sa kanyang bokasyong tumulong ng walang alinlangan, kasama na ang pagbuo ng mga proyekto at programang tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan nang Gumaca.
Dahil dito, taos-puso ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sa kanyang mga kababayan sa pagtitiwala sa adhikaing makatulong at magbigay serbisyo hindi lang sa bayan ng Gumaca kasama ang buong Lalawigan ng Quezon.
Quezon PIO