
Munting Paalala
Itapon ang basura sa tamang lalagyan upang mapanatili ang kalinisan ng ating komunidad. Ugaliing i-segregate ito; mahalaga ito para sa ating kalusugan at sa kinabukasan ng ating kapaligiran.
Itapon ang basura sa tamang lalagyan upang mapanatili ang kalinisan ng ating komunidad. Ugaliing i-segregate ito; mahalaga ito para sa ating kalusugan at sa kinabukasan ng ating kapaligiran.
Sa matataong lugar, laging magsuot ng facemask para sa dagdag proteksyon laban sa sakit. Ito ay simpleng hakbang na nagpoprotekta hindi lang sa iyo kundi pati na rin sa iyong komunidad.
PABATID Simula 05 MAYO (MONDAY) – 07 MAYO 2025 (WEDNESDAY), ang QPHN-QMC – OPD Internal Medicine Department ay pansamantalang lilimitahan ang pagtanggap ng pasyente sa 30 katao bawat araw. Babalik ang normal na operasyon sa 08 MAYO 2025 (THURSDAY). Ito ay upang bigyang-daan ang pagdalo ng aming mga doktor at residente sa pagdalo sa Philippine College of Physicians. Para sa mga Emergency Cases mangyaring magtungo sa Emergency Room. Para sa karagdagang impormasyon, maaari po kayong makipag-ugnayan sa QPHN-QMC Hotline Number (042) 717-6323 o sa aming official QPHN-QMC Facebook page.
Para sa ating mga kababayan! ang Pamahalaang Panlalawigan ay magsasagawa ng Surgical Caravan na maghahatid ng libreng serbisyong medikal at operasyon para sa mga nangangailangan.
Sa init ng panahon sa, protektahan ang sarili! Narito ang ilang mga hakbang upang gawin ito: ✔️Iwasang lumabas ng bahay mula 9:00 AM – 4:00 PM. ✔️Laging uminom ng maraming tubig. ✔️Gumamit ng payong, pamaypay o sumbrero kapag lalabas ng bahay. ✔️Magsuot ng magaan at maluwag na damit na hindi dark colored.
Ang pagiging handa at mapagmatyag sa ating kalusugan at sa kalagayan ng ating kapwa ang susi upang tayo ay manatiling ligtas at malusog sa gitna ng mainit na panahon. Ingatan natin ang ating sarili at ang ating komunidad.