INTEGRATED PROVINCIAL HEALTH OFFICE

Mga Paraan Para Iwasan sa Dengue

Mga Paraan Para Iwasan sa Dengue

Dahil sa pagtaas ng kaso ng Dengue, tayo ay hinihikayat upang alamin ang mga paraan para iwasan at labanan ang Dengue.

Gawing pangunahing prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Pamilyang Quezonian. Tayo ay makiisa sa pag-iwas at pag-puksa sa kumakalat na Dengue, ugaliing gawin ang 4S KONTRA DENGUE!

✅Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok.

✅Sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue.

✅Sarili ay protektahan laban sa lamok.

✅Sumuporta sa fogging/spraying kapag may banta ng dengue.


Beat the Heat

Beat the Heat

Sa patuloy na pagtaas ng temperatura ng panahon, basahin ang ilang tips kung paano mananatiling presko ngayong tag-init.

Ano ang HEAT INDEX?

Ang HEAT INDEX o “INIT FACTOR” ay nararamdaman ng ating katawan mula sa pinagsamang temperatura ng hangin at ng alinsangan o humidity.

Maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion na posible ring mauwi sa heat stroke kapag mataas ang init factor o damang init.


Rabies Awareness Month

Rabies Awareness Month

Alinsunod sa Republic Act 9482 o ang Anti Rabies Act of 2007, ipinagdiriwang ngayong buwan ang Rabies Awareness Month na may temang “Rabies Free na Pusa’t Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino.”

Layunin ng pagdiriwang na ito na makapagbigay ng kaalaman at babala sa lipunan tungkol sa rabies virus.

Hinihikayat ang lahat na maging responsableng pet owners upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng rabis.


Mahalagang impormasyon tungkol sa Monkeypox

Mahalagang impormasyon tungkol sa Monkeypox o MPOX at ang mga dapat gawin upang mapigilan ang paglaganap nito.