STAN on Skills Livelihood Kits Distribution | January 15, 2025
Sa pagtungo ni Governor Doktora Helen Tan sa bayan ng Infanta, ginanap din ang Kalinga sa Mamamayan, Tulong Pangkabuhayan, Trabaho at Negosyo Program STAN on Skills Livelihood Kits Distribution sa Brgy. Libjo Covered Court ngayong araw, Enero 15.
Ang nasabing programa ay isa sa mga hakbangin ng Pamahalaang Panlalawigan upang mabigyan ng hanapbuhay at pagkakakitaan ang mga Quezonian, kung saan naman ay sumailalim sa pagsasanay na perfume making at fish processing ang 91 benepisyaryo mula sa Real, Infanta, at General Nakar.
Naipamahagi rin ang mga kagamitam na makatutulong para sa pag-uumpisa ng pagnenegosyo ng mga naging bahagi ng programa.
Samantala, naisakatuparan ang programa sa pagtutulungan nina PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, at Provincial Public Employment Service Office (PESO) Manager Genecille Aguirre.
Quezon PIO