Weather Advisory | December 25, 2024
TINGNAN: Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng shear line, nakaranas ng matinding pagbaha ang iba’t-ibang barangay sa Mauban Quezon ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 25.
Ayon sa tala ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ( PDRRMO) ang mga apektadong barangay ay ang mga sumusunod:
• Luab Pob
• Rizalina
• Sadsaran
• San Jose
• San Lorenzo
• San Rafael
• Santol
• Macasin
• Lucutan
• Balaybalay
Tinatayang nasa 16 pamilya o 65 na indibidwal ang inilikas at kasalukuyang pansamantalang nanunuluyan sa Barangay hall o evacuation area sa nasabing lugar.
Sa kabutihang palad ay walang naiulat na nasawi o nasugatan, ngunit patuloy paring pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat at manatili sa loob ng kanilang mga tahanan habang nagpapatuloy ang monitoring ng mga awtoridad sa naturang sitwasyon.
Agad namang nagbigay ng direktiba si Governor Doktora Helen Tan para sa agarang pamamahagi ng kinakailangang tulong para sa pinsalang idinulot ng nasabing insidente.
Samantala, kaugnay pa rito ang isang pagguho ng lupa na namataan sa Brgy. San Gabriel, Cagsiay I Sitio Maligaya at Cagsiay II Sitio Ngirngi. Kasalukuyang passable para sa mga sasakyan ang daan sa Cagsiay I at San Gabriel habang one lane passable naman sa Cagsiay II.
QPDRRMO