NEWS AND UPDATE

Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo | July 15, 2025

Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo | July 15, 2025

TINGNAN: Abot kayang presyo na mga produkto, handog sa isinagawang “Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo” ngayong araw, Hulyo 15 sa Provincial Capitol Compound, Lucena City.

Tampok dito ang mga sariwang gulay, prutas, at iba pang mga lokal na produkto kabilang na ang mga ready-to-eat at handmade products ng ating mga kalalawigang MSMEs.

Abangan naman muli ang pagsasagawa ng nasabing programa na inisyatiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paglalayon na rin na masuportahan ang mga lokal na mangingisda at magsasaka.

#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince


Quezon PIO / Provincial Agriculture

Pagtutulungan para sa Kapayapaan: MGEN Maquiling ng CRS-AFP, Bumisita sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon | July 15, 2025

Pagtutulungan para sa Kapayapaan: MGEN Maquiling ng CRS-AFP, Bumisita sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon | July 15, 2025

TINGNAN: Bumisita nitong araw ng Hulyo 14 sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon si Commander of the Civil Relations Service, Armed Forces of the Philippines (CRS-AFP) – Major General Oliver C. Maquiling.

Pinaunlakan naman ni Governor Doktora Helen Tan ang pagbisita ni MGEN Maquiling, kung saan naman ay nagkaroon din ng diskusyon ukol sa pagpapalakas ng seguridad at pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan.

Samantala, nakasama rin sa pagbisita sina 2CRG’s Group Commander – LTCOL Ferdinand Foronda PN(M) (GSC) at CDR Jeffrey Magbanua PN (GSC).

#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince


Quezon PIO

Thunderstorm Advisory No. 20 | July 15, 2025

Thunderstorm Advisory No. 20 | July 15, 2025

Issued at: 6:45 AM, 15 July 2025 (Tuesday)

Katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na bugso ng hangin.ang nararanasan sa 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 (𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 , 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬) na maaaring magpatuloy sa susunod na dalawang oras at makaapekto sa mga karatig na lugar.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa posibleng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Patuloy na mag-monitor sa mga karagdagang updates.

Source: https://www.facebook.com/photo/?fbid=728949983449267&set=a.117773884566883


Quezon PDRRMO

QMC Goes Digital: EHR System, Inilunsad! | July 14, 2025

QMC Goes Digital: EHR System, Inilunsad! | July 14, 2025

QMC Goes Digital: EHR System, Inilunsad!

Go-Live Implementation ng Electronic Health Record System, Matagumpay — mas mabilis na pag-access sa impormasyon ng pasyente, mas epektibong koordinasyon sa pagitan ng mga departamento, at mas sistematikong pagtatala ng medical data. ‘Yan an
g layunin ng matagumpay na Go-Live Implementation ng Electronic Health Record (EHR) System sa Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC) ngayong araw, July 14, 2025.
Sa pangunguna ng masigasig na IT Team ng QPHN-QMC, naging maayos at matagumpay ang buong transisyon patungo sa mas modernong sistema ng pangangalagang pangkalusugan. Ang makabagong sistemang ito ay isa sa maraming hakbang na itinataguyod ng QPHN-QMC para sa mas mabilis at maaasahang paghahatid ng kagalingan sa bawat Quezonian.

#QMCHeals
#SerbisyongTunayAtNatural
#STANQuezonBetterTogether


Quezon QPHN-QMC

Quezon Provincial Cooperative Development Council: Full Council Meeting | July 14, 2025

Quezon Provincial Cooperative Development Council: Full Council Meeting | July 14, 2025

Pagpapatatag ng Kilusang Kooperatiba sa Lalawigan ng Quezon

Isinagawa noong Hulyo 11, 2025 sa Ouan’s The Farm Resort, Lucena City ang Full Council Meeting na dinaluhan ng mga kasapi at opisyal ng Municipal Cooperative Development Council.

Isang makasaysayang resolusyon ang ipinasa para sa:

  • Paglikha ng Provincial at Municipal Cooperative Development Offices
  • Paglikha ng posisyon para sa Provincial at Municipal Cooperative Development Officers

Alinsunod ito sa RA 11535—isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag at tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga kooperatiba sa buong Quezon.

#QuezonProvince
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Monitoring at ikalawang stocking ng semilya ng Grouper (Lapu-Lapu) – July 14, 2025

Monitoring at ikalawang stocking ng semilya ng Grouper (Lapu-Lapu) – July 14, 2025

Noong Hulyo 11, 2025, isinagawa ang monitoring at ikalawang stocking ng semilya ng Grouper (Lapu-Lapu) sa dalawang unit ng submerged cages sa Plaridel, Quezon, sa ilalim ng Fishery Production Development Program. Ang mga benepisyaryo ay ang Fisherfolk Association of Plaridel.

Pinangunahan ito nina G. Alex Del Carmen at G. Ariel Loreto, Aquacultural Technicians mula sa OPA-Fisheries Division, katuwang si G. Julius Restar, Fishery Extension Officer ng LGU-Plaridel.

Layunin ng aktibidad na mapabuti ang survival rate ng semilya, matiyak ang tamang pamamahala ng cage culture, at matulungan ang asosasyon sa pagpapalago ng kita. Kasabay nito, isinagawa rin ang assessment ng hatchery facility para sa mga kinakailangang improvement sa grow-out production.

Ang aktibidad ay hakbang tungo sa mas produktibo at sustainable na aquaculture sa lalawigan.

#OPAQuezon #QuezonProvince #AgriQuezon #fisheriesdivision


Quezon PIO / Provincial Agriculture

Training on Pesticide Usage and Management | July 14, 2025

Training on Pesticide Usage and Management | July 14, 2025

Matagumpay na isinagawa ang magkahiwalay na pagsasanay para sa 60 na magmamais mula sa bayan ng Candelaria at Tiaong, ukol sa Pesticide Usage and Management nitong ika-20 ng Hunyo 2025 at ika-11 ng Hulyo 2025.

Sa patnubay ng Tanggapan ng Panlalawigang AGrikultor (OPA), katuwang ang Fertilizer and Pesticide Authority(FPA)- Region 4 at mga tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa mga nabanggit na bayan ay naituro sa mga magsasaka ang tama at ligtas na pamamaraan ng paggamit ng mga pestisidyo laban sa mga peste ng kanilang mga taniman.

#pestusageandmanagement
#corngrowers
#OPAQuezon
#opaquezonfitscenter


Quezon PIO / Provincial Agriculture

Thunderstorm Advisory No. 13 | July 14, 2025

Thunderstorm Advisory No. 13 | July 14, 2025

Issued at: 1:47 PM, 14 July 2025 (Monday)

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na bugso ng hangin ang nararanasan sa 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 (𝐓𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐬) na maaaring magpatuloy sa susunod na dalawang oras at makaapekto sa mga karatig na lugar.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa posibleng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa. Patuloy na mag-monitor sa mga karagdagang updates.


Quezon PDRRMO