NEWS AND UPDATE

Seal of Good Local Governance 2024 Awarding Ceremony | December 10, 2024

Seal of Good Local Governance 2024 Awarding Ceremony | December 10, 2024

Pagpupugay para sa Lalawigan ng Quezon!

Pormal nang tinanggap ngayong araw, Disyembre 10 sa Tent City, Manila Hotel nina Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala ang pagkilala para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang nakamtan na 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang SGLG ay ang pinakamataas at prestihiyosong parangal na iginagawad ng DILG sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa na nagpakita ng mahusay at epektibong pamamahala. Malugod namang ibinahagi ni Governor Tan na napakahalagang matanggap ito ng Pamahalaang Panlalawigan sapagkat kabilang sa kanyang HEALING Agenda ang “Good Governance” na patuloy niyang sinisigurong naihahatid para sa kanyang mga kalalawigan.

Samantala, kasabay ring natanggap ng bayan Candelaria, Dolores, General Nakar, Gumaca, Pagbilao, Real, Sampaloc, at Mauban ang nasabing parangal.


Quezon PIO

Step-up Batch 1 Graduation Ceremony | December 09, 2024

Step-up Batch 1 Graduation Ceremony | December 09, 2024

CONGRATULATIONS, 1st Batch of Step-Up Entrepreneurship Development Program! 🎉🎉

Isinagawa ngayong araw ng Lunes, Disyembre 9, ang Step-Up Graduation Ceremony ng unang batch ng Step-Up Entrepreneurship Development Program sa Quezon Convention Center. Ito ay pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan at ni PLGU Quezon Project Development Officer III, Lawrence Joseph Velasco.

Nabigyang parangal ang Top 10 Best Presenters sa business pitching, kung saan ang Philippine Trade Training Center (PTTC) ang magbibigay tugon para sa mga packaging design bilang suporta sa kanilang mga negosyo.

Dinaluhan ito ng 52 na estudyante mula sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena (DLL) na kumukuha ng kursong Entrepreneurship, kasama ang 50 Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).

Matatandaan na sinimulan ang programang ito na 15 days training noong Oktubre 22 na may layon na i-angat ang antas ng pagnenegosyo ng mga MSMEs at natapos naman nitong Nobyembre 15.

Ipinagkaloob sa mga kalahok ng programa ang mga benepisyong tulad ng libreng Packaging Design, Negosyo Kits, Business Pitching Opportunity, at Exposure sa mga Trade Fairs.

Bilang karagdagan, nakatanggap ang mga MSMEs ng livelihood assistance, collapsible kiosk, mga tents, at heavy-duty chairs na magagamit nila sa kanilang mga negosyo.

Kasama sa mga dumalo sa seremonya sina PTTC Program Developer Officer Raymond Cardiño, President and Dean ng DLL Dr. Maria Charmaine V. Lagustan,Program Head ng Bachelor of Science in Entrepreneurship ng DLL Mr. Rojohn M. Valenzuela, at Trade-Industry Development Specialist Ms. Jaryz Eden Lloce.


Quezon PIO

Service Award For Retirees | December 09, 2024

Service Award For Retirees | December 09, 2024

Upang bigyang pugay ang mga empleyadong nagserbisyo ng matagal sa Kapitolyo, ginanap ang Service Award For Retirees ngayong araw ng Lunes, Disyembre 9 sa Provincial Capitol Bldg. Lucena City.

Sa inisyatiba ni Governor Doktora Helen Tan, tinatayang 41 retirees ang nakatangap ng parangal at insentibo, kabalikatan ang Provincial Budget Office, Provincial Human Resources Management Office at iba pang departamento upang maging matagumpay ang nasabing programa.

Samantala, agarang inanunsyo ni Governor Tan ang pagbibigay sa susunod na taon (2025) ng Retirement ID para mabigyan ng taunang General Check-Up at mga libreng gamot tuwing kaarawan ng mga retirees, bilang balik pasasalamat sa serbisyo para sa mamamayang Quezonian.


Quezon PIO

Migrants’ Day Celebration 2024 | December 09, 2024

Migrants’ Day Celebration 2024 | December 09, 2024

ara sa mga Quezonian na nagsakripisyo sa ibang bansa ng ilang taon at ngayo’y pinagpapatuloy ang masaganang buhay sa Lalawigan ng Quezon, ginanap ang “Migrant’s Day Celebration 2024” nitong araw ng Lunes, Disyembre 9 sa St. Jude Coop Hotel, Tayabas City.

Layunin ng programa na bigyang kaalaman ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa mga maaaring benepisyong matatanggap na nagmula sa Pamahalaang Panlalawigan. Kasama sa mga nagbigay kaalaman sa nasabing programa sina Department of Migrant Worker’s (DMW) Carol L. Ortiz, Overseas Worker’s Welfare Administration (OWWA) Ivy C. Macaraig at Philhealth Rhona O. Remolona.

Katuwang ang Quezon Provincial Public Employment Service Office at Provincial Gender and Development na pinamumunan ni PGADH-Quezon PESO Manager Genecille P. Aguirre, handa ang Pamahalaang Panlalawigan na magbigay ng tulong ang mga OFW.

Samantala, hinikayat naman ni PGADH-Quezon PESO Manager Aguirre, ang mga OFW sa programa na hikayatin ang kapwa OFW sa Lalawigan ng Quezon na iparating ang mga programa ng pamahalaan upang mabigyan din ng suporta.


Quezon PIO

Pagbisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ng St. Alphonsus Regional Seminary | December 09, 2024

Pagbisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ng St. Alphonsus Regional Seminary | December 09, 2024

Masayang awitin ang hatid ng St. Alphonsus Regional Seminary sa kanilang pagbisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan nitong araw ng Lunes, Disyembre 9.

Upang mas damhin ang nalalapit na kapaskuhan, nagbigay ligaya ang nasabing grupo sa pamamagitan ng Christmas Caroling.

Kaugnay nito, asahang patuloy na ipapadama ng Pamahalaang Panlalawigan ang diwa ng kapaskuhan para sa bawat mamamayang Quezonian.


Quezon PIO

Special Coordination Meeting | December 09, 2024

Special Coordination Meeting | December 09, 2024

Upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga pampublikong ospital sa Quezon, nagsagawa ng Special Coordination Meeting ang Pamahalaang Panlalawigan nitong Lunes, Disyembre 9 sa Provincial Capitol Bldg. Lucena City.

Tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga problemang may kinalaman sa suplay at pangunahing kagamitan sa mga ospital, gamot at medisina, gayundin ang isyu ukol sa consignment system sa pagitan ng supplier at ng mga ospital.

Isinagawa ang talakayan upang makakalap ng suhestiyon at magkaroon ng agarang solusyon ang mga iminungkahing suliranin.

Nakiisa sa pagpupulong ang mga Chief of Hospitals, Administrative Officers, Supply Officers at Consignment System Focal Person mula sa iba’t-ibang Quezon Provincial Hospital Network (QPHN).

Samantala, binigyang-diin ni Governor Doktora Helen Tan ang pagkakaroon ng malasakit at responsibilidad sa tungkulin ng bawat isa at maayos na pagpaplano ng mga polisiya at estratehiya para sa ikabubuti ng ahensya lalo’t higit ng mamamayan sa Lalawigan.


Quezon PIO

Thunderstorm Advisory No. 1 #NCR_PRSD Issued at: 8:53 AM, 09 December 2024(Monday)

Thunderstorm Advisory No. 1 #NCR_PRSD Issued at: 8:53 AM, 09 December 2024(Monday)

Moderate to heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over Laguna, Rizal, Bulacan and Batangas within the next 2 hours.

The above conditions are being experienced in Quezon(Buenavista, Guinayangan, Lopez, Tagkawayan, Calauag, Atimonan, Mauban, General Luna, Catanauan, General Nakar, Perez, Alabat) which may persist within 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides.

Keep monitoring for updates.


Quezon PIO