Migrants’ Day Celebration 2024 | December 09, 2024
ara sa mga Quezonian na nagsakripisyo sa ibang bansa ng ilang taon at ngayo’y pinagpapatuloy ang masaganang buhay sa Lalawigan ng Quezon, ginanap ang “Migrant’s Day Celebration 2024” nitong araw ng Lunes, Disyembre 9 sa St. Jude Coop Hotel, Tayabas City.
Layunin ng programa na bigyang kaalaman ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa mga maaaring benepisyong matatanggap na nagmula sa Pamahalaang Panlalawigan. Kasama sa mga nagbigay kaalaman sa nasabing programa sina Department of Migrant Worker’s (DMW) Carol L. Ortiz, Overseas Worker’s Welfare Administration (OWWA) Ivy C. Macaraig at Philhealth Rhona O. Remolona.
Katuwang ang Quezon Provincial Public Employment Service Office at Provincial Gender and Development na pinamumunan ni PGADH-Quezon PESO Manager Genecille P. Aguirre, handa ang Pamahalaang Panlalawigan na magbigay ng tulong ang mga OFW.
Samantala, hinikayat naman ni PGADH-Quezon PESO Manager Aguirre, ang mga OFW sa programa na hikayatin ang kapwa OFW sa Lalawigan ng Quezon na iparating ang mga programa ng pamahalaan upang mabigyan din ng suporta.
Quezon PIO