
Pamanang Quezonian Seminar/Workshops in Celebration of National Heritage Month | May 22 2025
Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Heritage Month o Buwan ng Pambansang Pamana, isinagawa ang Cultural Mapping sa ikatlong araw ng PAMANANG QUEZONIAN Seminar/Workshop on Cultural Sensitivity Cultural Mapping and Heritage Inventory and Understanding the Flag And Heraldic Code of the Philippines ngayong araw ng Huwebes, Mayo 22.
Sa inisyatibo ng Quezon Provincial Tourism Office (QPTO) na pinamumunuan ni Mr. Nesler Louies C. Almagro ay nakiisa ang apatnapu’t isang (41) Tourism Officers ng iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ng Quezon kaisa ang Quezon Provincial Librarian sa pamumuno ni Ms. Ria Marielle A. Timbal.
Matagumpay na napuntahan ang mahahalaga at makasaysayang lugar sa lungsod ng Lucena at Tayabas gayondin sa bayan ng Sariaya at Pagbilao kung saan kilala ang mga ito sa kanilang arkitekturang kolonyal, makabuluhang mga tradisyon at kasaysayan.
Layunin ng naturang aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayang Quezonian tungkol sa kahalagahan ng pamanang kultura ng ating lalawigan, na ito ay mas pahalagahan, ingatan at pagsumikapang mapreserba hanggang sa susunod pang henerasyon o saling lahi.
For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/15PrMN5oLo/
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO