Wildlife Assistance | February 08, 2023

Wildlife Assistance | February 08, 2023

Nitong ika-8 ng Pebrero ay isinangguni ng PENRO-Quezon sa Office of the Provincial Veterinarian ang dalawang (2) Adult Short-tailed Glossy Starlin, dalawang (2) Adult Pink-necked Green Pigeon, at isang (1) Adult Coleto.

Ang mga naturang wildlife species ay nakumpiska sa isang wildlife trader mula sa isang residente ng Sitio Hituin Barangay Malicboy, Pagbilao, Quezon habang nagsasagawa ang mga personalidad ng Quezon MARPSTA, RMU4A ng isang Buy Bust Operation.

Sa pagsusuri ni Dr. Philip Maristela, ang naturang hayop ay tila malusog, alerto at may magandang kondisyon ng katawan. Inirekomenda ang pagdadala ng mga ito sa isang Rehabilitation Wildlife Center sa Calauan, Laguna.

Patuloy na pinapaalalahanan ang ating mga kalalawigan hinggil sa parusa mula sa paglabag sa

Section 27, Para (e) ng R.A. 9147:

SECTION 27. Illegal Acts. — Unless otherwise allowed in accordance with this Act, it shall be unlawful for any person to willfully and knowingly exploit wildlife resources and their habitats, or undertake the following acts: e. (Trading of Wildlife).