Weather Update | January 24, 2023

Weather Update | January 24, 2023

Magandang hapon, mga ka-lalawigan!

Magandang balita! Wala tayong inaasahang bagyo na maaaring mabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na limang araw.

May binabantayan tayong Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng bansa, ngunit ito ay nagpapaulan sa Eastern Visayas at CARAGA region at hindi sa ating lalawigan.

Sa ngayon, ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan ang nakakaaapekto sa ating probinsya. Asahan ang muling paglamig ng panahon simula ngayong araw hanggang sa weekend.

May posibilidad pa rin ng mga mahihinang pag-uulan sa loob ng 24 oras, ngunit hindi naman ito inaasahan na magpapabaha sa maraming lugar.

Mag-ingat po ang lahat!