Visitation of On-Going Construction of School Buildings – Lucasan Elementary School, Bukal Sur Elementary School & Pahinga Norte Elementary School | September 22, 2023

Binisita ni Governor Doktora Helen Tan ang mga on-going construction ng gusali sa Lusacan Elementary School sa bayan ng Tiaong, Bukal Sur Elementary School at Pahinga Norte Elementary School sa bayan ng Candelaria, ngayong araw, Setyembre 22.
Matatandaang isinagawa ang groundbreaking ng mga gusaling pampaaralan nitong nakaraang Abril 2023, at pare-parehong kinuha ang pangpagawang pondo sa Special Education Funds na mula sa buwis na binabayaran ng ating mga kalalawigan.
Asahan na patuloy na paglalaanan ng pansin ng pamahalaang panlalawigan ang pagsasaayos at pagdaragdag ng pasilidad para sa ikabubuti ng pag-aaral ng mga kabataang Quezonian.
Source: Quezon PIO