Tupad Payout – Atimonan & Gumaca, Quezon | January 23, 2023

Ika-23 ng Enero, natanggap ng mahigit 1,516 na Quezonian mula sa bayan ng Atimonan (642) at Gumaca (874) ang kanilang pinaghirapan at pinagtrabahuhan na sahod mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE)
Lubos naman ang pasasalamat ni Gov. Doktora Helen Tan sa DOLE, Provincial Satellite Office ng Atimonan, at mga kawani ng pamahalaan na naging katuwang para sa pagbabahagi at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat mamamayan ng Quezon.