Tree Planting Activity sa Perez Park, Lucena City | October 09, 2023

Tree Planting Activity sa Perez Park, Lucena City | October 09, 2023

Upang ipagdiwang ang kaarawan at ang tatlongpu’t isang taong paglilingkod ni PGDH-ENR Officer Manuel Eugenio Beloso, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Perez Park, Lucena City ngayong araw Lunes, Oktubre 9.

Nakiisa sa nasabing aktibidad sina Governor Doktora Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, Provincial Administrator Manuel Butardo, at ang mga punong tanggapan ng pamahalaang panlalawigan kung saan sama-sama nilang itinanim ang iba’t ibang klase ng halaman, tulad ng Malabayabas, Katmon, Kalumpit, at Almaciga.

Maligayang kaarawan at maraming salamat sa iyong serbisyong ibinigay para sa lalawigan ng Quezon, Sir Manuel Eugenio Beloso!

Source: Quezon PIO