Training Workshop for the Development and Maintenance of Healthy Public Open Spaces | April 15, 2025

Sa pagpapaunlad ng mas malusog na mga komunidad, ang Quezon Provincial Health Office sa pakikipagtulungan ng Center for Health Development IV-A, ay nakatuon sa pagpapahusay ng kapakanan ng mga Quezonians sa pamamagitan ng estratehikong pagpapaunlad ng Healthy Public Open Spaces (HPOS) sa buong lalawigan ng Quezon.
Sa kadilahilanang ito, isinagawa ang “Training Workshop for the Development and Maintenance of Healthy Public Open Spaces” noong ika-10 hanggang ika-11 Abril, 2025 sa Nawawalang Paraiso, Resort and Hotel, Barangay Camaysa, Tayabas City, at dumalo dito mga kawani ng mga munisipalidad sa buong lalawigan.
Ang workshop na ito, sa pakikipagtulungan ng mga iginagalang na resource speakers mula sa University of the Philippines – College of Architecture (UPCA), ay naglalayon na mapaunlad ang HPOS, sa pamamagitan ng pag-sunod sa prinsipyo sa pagpaplano, paglikha ng mga disenyo para sa pagsulong ng kalusugan at epektibong pakikipag-ugnayan sa komunidad. Tiyak na makakatulong ang aktibidad na ito sa paglikha at pagpapanatili ng mga pampublikong espasyo na nakakatulong sa kalusugan at sigla ng ating komunidad.
#QuezonProvince
Quezon PIO