SPES 2025 Application | March 1, 2025

Muling bubuksan ng Provincial Government of Quezon sa pamamagitan ng Quezon Provincial Public Employment Service Office ang aplikasyon para sa Special Program for Employment of Students o SPES na isa sa mga programa ng Department of Labor and Employment. Nilalayon ng programang ito makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral at Out-of-School-Youth na kabilang sa low-income families.
Ang mga mapipiling benepisyaryo ay magtatrabaho sa iba’t ibang tanggapan sa Pamahalaang Lalawigan o sa mga katuwang nitong ahensya. Kasama rin sa mithiin ng programang ito na maging lunsaran ng pagtuklas at paghubog sa kasanayan at abilidad ng mga kabataan tungo sa iba’t ibang karera o propesyon na maaari nilang tunguhin sa hinaharap.
Para masimulan ang aplikasyon, ihanda ang mga requirements na nabanggit sa video. Palaging mag-antabay sa mga anunsyo at paanyaya ng Quezon Provincial PESO para sa ibang mga detalye at pamamaraan patungkol sa programang SPES.
Quezon PIO / PESO