Soft Opening of New 3-Storey Camp Nakar Station Hospital Building | February 27, 2024

Malugod na nakiisa si Governor Doktora Helen Tan sa idinaos na soft opening at blessing ng bagong 3-storey Camp Nakar Station Hospital Building na ginanap ngayong araw, Pebrero 27 sa Camp General Guillermo Nakar, Lucena City.
Dinaluhan ang ginanap na programa nina Department of National Defense Senior Undersecretary Irineo Cruz Espino, Department of Health (DOH) Regional Director IV-A, Dr. Ariel Valencia, SOLCOM Commander LTGEN Efren P Baluyot, AFO HSCtr-SL Acting Commander Armand P Lacanilao MC, at AFP HSCtr-SL Acting Chief COL Nerio C Zabala.
Sa ngayon, ang unang palapag pa lamang ng DOH level 1 hospital ang maaaring magamit na malaki ang kapakinabangan upang matugunan ng maayos ang pangangailangan na health services ng mga kasundaluhan.
Siniguro naman ng gobernadora na katuwang ng AFP ang Pamahalaang Panlalawigan upang matapos na ang nasabing proyekto, at hinahangad na maging parte ito sa provincial hospital network para sa mas malawak na serbisyong medikal.
Source: Quezon PIO