REPUBLIC ACT 10173 (DATA PRIVACY ACT OF 2012)

REPUBLIC ACT 10173 (DATA PRIVACY ACT OF 2012)

Sa kasalukuyang panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya sa iba’t ibang transaksyon, mahalagang malaman ang karapatan na poprotekta sa iyong personal na impormasyon.

ANO ANG DATA PRIVACY?

Ito ay tumutukoy sa ating karapatan alinsunod sa REPUBLIC ACT 10173 (DATA PRIVACY ACT OF 2012) na nagbibigay proteksyon at tamang paggamit ng mga Personal Data o impormasyon tungkol sa’yo gaya ng pangalan, address, mga impormasyong nangangailangan ng mas mataas na antas ng proteksyon, at mga impormasyong ibinabahagi sa mga abogado o doktor (Confidential legal or professional communications.)

ANO ANG MGA KARAPATANG NAKAPALOOB SA DATA PRIVACY ACT?
• RIGHT TO BE INFORMED- Karapatang malaman kung bakit kinukuha ang iyong personal data at kung saan ito gagamitin
•RIGHT TO ACCESS- Karapatang makakuha ng kopya ng iyong personal data
•RIGHT TO RECTIFICATION- Karapatang ipatama o mabago ang lumang impormasyon
•RIGHT TO ERASURE OR BLOCKING- Karapatang ipatanggal ang impormasyon kung hindi na kailangan o may maling paggamit
•RIGHT TO DATA PORTABILITY- Karapatang sa isang maayos at karaniwang format
•RIGHT TO OBJECT- Karapatang tumanggi sa pagbibigay ng impormasyon para sa marketing purposes
•RIGHT TO FILE A COMPLAINT- Karapatang magreklamo ng paglabag sa National Privacy Commission (NPC)
•RIGHT TO DAMAGES- Karapatang makatanggap ng danyos para sa maling paggamit ng personal data o ang pagkalat nito

Kaya’t mga kalalawigan, maging maingat sa pagbabahagi ng iyong personal na impormasyon at tiyaking may sapat na pahintulot kung ito ay gagamitin para sa anumang layunin. Tandaan na mahalaga ang pagkakaroon ng kamalayan sa batas na magpoprotekta sa personal na impormasyon ng bawat isa.