Quarterly Meeting of Provincial GAD Focal Point System (PGFPS) | February 14, 2025

Matagumpay na isinagawa ang 1st Quarter Meeting ng Provincial GAD Focal Point System-Technical Working Group ( PGFPS-TWG) at GAD Monitoring and Evaluation (M&E) Team ngayong Biyernes, Pebrero 14, sa PGO Annex Conference Room
Pinangunahan ito ng Provincial Gender and Development Office (PGAD) sa ilalim ng pamumuno ni Sonia S. Leyson, kung saan dinaluhan ito ng mga Focal Persons mula sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan.
Tinalakay dito ang mga accomplishments ng GAD at PGFPS noong taong 2024, pati na ang mga plano at badyet para sa 2025 at 2026. Nabigyan pansin din ang mga aktibidad para sa Provincial Women’s Month Celebration na gaganapin sa darating na Marso.
Ipinaliwanag naman ang bagong Revised Guidelines on the Localization of the Magna Carta of Women (MCW) ng Joint Memorandum Circular (JMC) 2024-01.
Nabigyang pagkakataon din na makapagbahagi ang mga kabalikat na departamento tulad ng; Office of the Provincial Agriculturist (OPA) at Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) patungkol sa kanilang mga proyekto na kabilang ang GAD.
Asahan na patuloy pa ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa usaping may kaugnayan sa Gender and Development.
Quezon PIO