Provincial Investment Promotions Orientation for Local Government Units | March 21, 2024

Provincial Investment Promotions Orientation for Local Government Units | March 21, 2024

“Let’s make Lalawigan ng Quezon, the next Investment Destination.”

Ito ang pangunahing layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa ginanap na Provincial Investment Promotions Orientation for Local Government Units ngayong araw ng Huwebes, Marso 21 sa 3F Capitol Bldg., Quezon Capitol Compound, Lucena City.

Pinangunahan ni Provincial Administrator Manuel M. Butardo ang aktibidad na dinaluhan ng ilang mga Punong Bayan, Local Economic Development and Investment Promotions Officers (LEDIPO), Local Chief Executives, Municipal Treasurers, at mga kinatawan mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan.

Naging katuwang din sa nasabing oryentasyon ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), Board of Investments (BOI) at Philippine Chamber of Commerce and Industry – Quezon Province Inc. (PCCI- QPI).

Ilan sa mga naipaliwanag sa nasabing aktibidad ay ang mahalagang papel ng lokal na pamahalaan sa investment promotion sa ating lalawigan, kung kaya’t patuloy ang pagsasagawa ng plano at proyekto na tiyak na magbibigay ng malaking kontribusyon sa paghikayat ng mga mangangapital sa bansa na piliin ang lalawigan ng Quezon.

Sa huli ay nagkaroon ng MOA Signing ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagitan ng pamunuan ng Board of Investments (BOI), at nanumpa naman ang mga bagong halal na Quezon Association of Local Economic Development Investment Promotions Officers (LEDIPO).

Source: Quezon PIO