Provincial Cooperative Month Celebration 2023 | November 10, 2023

Provincial Cooperative Month Celebration 2023 | November 10, 2023

Mabuhay ang kooperatiba sa Lalawigan ng Quezon!

Ginanap ang pagdiriwang ng buwan ng kooperatiba ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 10 sa Quezon Convention Center.

Dinaluhan ito ni Governor Doktora Helen Tan, kinatawan ni Vice Governor Third Alcala na si Aleixa Alcala, Board Member Harold Butardo, Quezon Provincial Cooperative Development Council Chairperson Rizaldy Veranga, Provincial Agriculturist Dr. Liza Mariano, DTI IV-A Regional Director Marissa Argente, Cooperative Development Authority Regional Director IV-A Salvador Valeroso, Tourism Officer Nesler Almagro, at ilang mga punongbayan ng Lalawigan.

Mahigit isang libo at tatlong daang miyembro naman ng kooperatiba mula sa iba’t-ibang bayan ng apat na distrito ng Quezon ang sama-samang na nakisaya sa nasabing selebrasyon.

Ibinalita ng gobernadora na mayroon ng tatlong daang rehistradong aktibong kooperatiba ang Lalawigan ng Quezon. Ito ay nagpapakita ng kagandahan ng samahan para sa tuloy tuloy na pag-unlad ng bawat isa lalo’t higit sa nasabing sektor.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ay nagkaroon ng commitment signing sa pagitan ng gobernadora at ng mga katuwang na tanggapan at ahensya para sa kapakanan ng nasabing samahan. Nagkaroon rin ng pagligsahan sa pagsasayaw, at ng Mr. and Ms. Quezon Cooperative.

Source: Quezon PIO