Priority Courses Scholarship & Return Service Program for Deserving Students

Magandang balita para sa ating mga mag-aaral na Quezonian!
Bukas na ang aplikasyon para sa Priority Courses Scholarship and Return Service Program for Deserving Students ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon. Sa ilalim ng programa, mabibigyan ng scholarship ang mga mag-aaral na papasok ng Unang Taon ng Kolehiyo sa panuruang taon 2024-2025 at kukuha ng alinman sa mga sumusunod na kurso:
• Doctor of Medicine
• Doctor of Veterinary Medicine
• BS Medical Technology / Medical Laboratory Science
• BS Midwifery
• BS Nursing
• BS Nutrition Dietetics
• BS Occupational Therapy
• BS Pharmacy
• BS Physical Therapy
• BS Radiologic Technology
• BS Respiratory Therapy
• BS Speech and Language Pathology
• BS Social Work
• Teacher Education: Special Needs Education
• BS Chemistry
• BS Geology
• BS Meteorology
• BS Biomedical Engineering
• BS Agricultural and Biosystems Engineering
• BS Food Technology
Upang masuri kung kwalipikado ang mag-aaral, maaaring-i-access ang Scholar’s Assessment tool sa:
https://docs.google.com/…/1FAIpQLScC5WIQKM8EDm…/viewform
Makukuha naman ang Application Form sa link na ito:
https://drive.google.com/…/1MiAvEXWurYeRmqPGC4d9IV…/view
Mangyaring isulit ang mga dokumento sa pinakamalapit na Provincial Government Satellite Office sa inyong lugar o sa Scholarship Office ng Tanggapan ng Punong Lalawigan sa Ikalawang Palapag ng PGO Extension, Provincial Capitol Compound, Brgy. 10, Lucena City. Tatanggapin lamang ang aplikasyon hanggang February 15, 2024.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa sumusunod:
(042) 785 0281 o 0998-548-5607
Source: Quezon PIO