Pinarangalan ng Philippine Trade Training Center (PTTC) ng National Builder Award ang lalawigan ng Quezon | December 19, 2024

Pinarangalan ng Philippine Trade Training Center (PTTC) ng National Builder Award ang lalawigan ng Quezon | December 19, 2024

Karangalan para sa lalawigan ng Quezon!

Pinarangalan ng Philippine Trade Training Center (PTTC) ng National Builder Award ang lalawigan ng Quezon nitong Disyembre 19, sa PPTC Building Pasay City.

Sa ngalan ni Governor Doktora Helen Tan tinanggap ang naturang award ni Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco bunga ng patuloy na inisyatibo ni Governor Tan na maiangat ang kabuhayan ng mamamayang Quezonian.

Ang Nation Builder Award ay isang pagkilala na iginagawad sa mga Local Government Units (LGU), pribadong kumpanya, o inibidwal na nakapaglunsad ng makabuluhang programa para sa pag-unlad ng negosyo sa kanilang komunidad.

Ngayong taon kinilala ng Philippine Trade Training Center (PTTC) ang lalawigan ng Quezon bilang isa sa mga natatanging tagapagtaguyod ng negosyo dahil sa tagumpay ng STEP-UP Entrepreneurship Development Program

Ang STEP-UP Program ay may intensive training sa loob ng labing limang (15) araw para sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME’s).

Binigyan ng student partners ang mga benepisyaryo upang pagsamahin ang kanilang karanasan at kaalaman pang-teknikal.

Samantala, ang mga nagtapos ay tumanggap ng Collapsible Kiosk, Collapsible Tent, Foldable Chairs at bagong packaging design mula sa PLTC Merkado para sa kanilang produkto sapamamagitan ng TANkilik Hub ng Waltermart Candelaria at Iskaparate Online App.

Ang parangal na ito ay patunay ng dedikasyon ng lalawigan ng Quezon na itaas ang antas ng kabuhayan at negosyo para sa mga mamamayang Quezonian. Isang hakbang pasulong tungo sa mas maunlad na kinabukasan!

#NationalBuilderAward

#STEPUP

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO