PHO Advisory

PHO Advisory

Pahayag sa tumataas na kaso ng Pertussis:

Ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Pertussis sa buong bansa ay isang malubhang alalahanin para sa ating komunidad. Bilang mga lingkod-bayan, nakikiusap kami sa lahat na maging maagap sa pagpapagamot at pagpapabakuna laban sa sakit na ito. Mahalaga ang pagtutulungan ng lahat upang mapigilan ang pagkalat nito at pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa. Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Provincial Health Office ay patuloy na tutugon at aaksyon upang mapigilan ang pagdami ng mga kaso ng Pertussis sa ating lalawigan. Maraming salamat sa inyong kooperasyon at suporta.

Source: Quezon PHO