Philippine Commission on Women na Local Learning Hub | December 22, 2022

Ang Lalawigan ng Quezon sa pamumuno ng ating mahal na gobernador Doktora Helen Tan ay 1 sa 12 na kinilala ng Philippine Commission on Women na Local Learning Hub sa buong Pilipinas at nag iisa sa Calabarzon Region. Tayo ay nagsisilbing model for Gender and Development ng mga LGU’s at national agencies. Dahil dito, humiling ang Bayan ng Santa Maria, Romblon na makapagdaos ng Benchmarking Activity sa ating Lalawigan upang matuto at maisagawa nila ang mga best GAD practices sa kanilang munisipalidad.
Nagbigay ng presentation at talakayan ang mga kawani ng PGAD sa pangunguna ng Assistant Department head na si Gng. Norliza Labitigan at G. Sedfrey Potestades sa mga bumisita na pinamumunuan ni Mayor Lorelie Fabon, mga myembro ng Sangguniang Bayan, mga Barangay Kapitan at MGAD Focal Point System ng Santa Maria, Romblon kasama rin ang mga pinuno ng tanggapan ng munisipyo ngayong ika- 22 ng Disyembre 2022.