Personal na nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa Spillway Bridge sa Brgy. Canda Sariaya Quezon | January 23, 2025

TINGNAN: Personal na nagtungo si Governor Doktora Helen Tan sa Spillway Bridge sa Brgy. Canda Sariaya Quezon ngayong araw ng Huwebes, Enero 23.
Sa nasabing pagbisita, naibahagi ng Gobernadora ang mga kasalukuyang proyekto sa naturang imprastruktura at ang mga hakbang na ginagawa upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at kahandaan ng komunidad laban sa mga haharaping kalamidad.
Samantala, kasamang nagtungo ang ilang lokal na opisyal ng bayan ng Sariaya at mga kinatawan mula sa Provincial Engineering Office upang suriin ang kalagayan ng tulay at ang mga kinakailangang pag-aayos o pagpapatibay nito.
Quezon PIO