Paskong Quezonian 2023 Switch-on Ceremony | November 24, 2023

Paskong Quezonian 2023 Switch-on Ceremony | November 24, 2023

MAS MAKULAY ANG PASKO SA QUEZON

Nagliwanag ang buong Kapitolyo nang opisyal ng pailawan ang makulay na mga Christmas Decorations sa isinagawang switch-on ceremony kahapon ng Biyernes, Nobyembre 24 bilang hudyat ng nalalapit na kapaskuhan.

Pinangunahan ang maikling programa ni Governor Doktora Helen Tan, kasama sina DPWH Region 1 Director Engr. Ronnel Tan, Governor Anacleto “Third” Alcala, Provincial Administrator Manny Butardo, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, at iba pang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon.

Bumuhos man ang ulan ay hindi ito naging hadlang upang masaksihan ng mga Quezonian ang iba’t-ibang nagnining-ning na dekorasyon gaya ng Yuletide Garden, Ligth Towers, at Tunnel of Ligths & Belen.

Kuminang din ang kalangitan dahil sa nakamamanghang Fireworks Display.

Bukas naman ito sa publiko mula Nobyembre 24, 2023 hanggang Enero 7, 2024.

Kaya’t halina’t damhin ang kapaskuhan at bisitahin ang makulay na Christmas Decorations na handog namin sa inyo!

Source: Quezon PIO