Pantawid Pamilya Pilipino Program | December 14, 2022

Pantawid Pamilya Pilipino Program | December 14, 2022

“Walang forever sa pagiging mahirap, walang forever sa pagiging 4Ps”

‘Yan ang naging pahayag ni Assistant Regional Director Alkent DC. Bacolod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanyang naging talumpati sa mga nagsipagtapos na benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ngayong araw, Dec. 14.

Sa kauna-unahang pagkakataon, binigyang pagkilala ng kagawaran ang kabuuang 1,000 benepisyaryo ng 4Ps mula sa 26 na munisipalidad sa lalawigan ng Quezon dahil matagumpay nilang naiahon ang kanilang buhay mula sa kahirapan sa tulong ng nasabing programa ng pamahalaan.

Siniguro naman ni Governor Doktora Helen Tan, bilang ina ng probinsya, na patuloy na kakalingain at aakayin ng pamahalaang panlalawigan ang mga nagsipagtapos upang patuloy na maiangat ang kanilang pamumuhay.

Isang pagpupugay sa mga Quezonian na patuloy na nagtatagumpay at hindi nagpapatinag sa hamon ng buhay!