Paano mapangangalagaan ang iyong DATA PRIVACY? | April 25, 2025

Kalalawigan, magkaroon ng responsibilidad at ingatan ang ating DATA PRIVACY!
Paano mapangangalagaan ang iyong DATA PRIVACY?
•Bago ibigay ang iyong personal data, laging siguruhin na malinaw na naipaliwanag kung saan gagamitin ang iyong personal na impormasyon.
•Isang halimbawa’y sa paggamit ng Online Shopping Site:
•Maaaring tumanggi kung hindi mo na nais na ma-contact o makatanggap ng karagdagang komunikasyon o e-mail (RIGHT TO OBJECT)
•Maaaring ipatama o ipabago ang iyong address kung may mali rito (RIGHT TO RECTIFICATION)
•Maaari ring ipatanggal o i-delete ang iyong account at personal data kung hindi mo na ginagamit ang kanilang serbisyo (RIGHT TO ERASURE OR BLOCKING)
ILAN PANG MGA PAYO PARA SA INYONG KALIGTASAN
•Ugaliing mag-logout ng inyong social media accounts.
•Gumamit ng Two-Factor Authentication
•Panatilihing nakapribado ang screen ng inyong gadget.
•Maglabas ng Privacy Notice sa inyong tanggapan.
•Gumamit ng mga password na hindi madaling mahulaan.
•Sirain o i-shred ang mga hindi na kailangang pisikal na dokumento.
PANATILIHING LIGTAS ANG IYONG MGA DATOS
•Mahalagang ipabatid sa lahat ng miyembro ng inyong organisasyon ang mga saklaw ng Data Privacy Act.
•Maaaring i-encrypt ang mga sensitibong Digital Data upang maiwasan ang hindi awtorisadong pag-access o paggamit nito. Para naman sa physical data, maaaring itabi ang mga ito sa isang ligtas na lugar.
Pinahahalagahan ng Pamahalaang Panlalawigan ang inyong DATA PRIVACY, at buo ang suporta sa mga karapatang nakapaloob sa batas na nabanggit.
#DATAPRIVACY
#QuezonProvince
Quezon PIO