Orientation & Ceremonial Turnover of Listahanan Data | December 05, 2023

Ngayong araw ng Martes, Disyembre 5 bumisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang DSWD Regional Office Listahanan kasama si DSWD Regional Field Coordinator Jhohanna Acebes, upang isagawa ang Orientation at Ceremonial Turn Over of Listahanan Data.
Ang naturang data turn over ay bahagi ng data sharing agreement ng DSWD at Pamahalaang Panlalawigan kung saan ang nasabing datos ay naglalaman ng listahan ng mahihirap na pamilya sa bawat rehiyon, lalawigan, bayan at barangay na maaaring gamitin upang malaman kung sino ang mga potensyal na benepisyaryo ng social assistance programs.
Siniguro naman na ang bawat datos ay protektado ng Memorandum of Agreement at Data Privacy Act of 2012.
Asahan na patuloy ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t-ibang lokal at nasyonal na ahensya sa paglalayon na matugunan ng maayos ang pangangailangan ng bawat mamamayan sa Quezon upang sila’y magkaroon ng maunlad na kinabukasan.
Source: Quezon PIO