ORANGE TOURISM FESTIVAL | January 16, 2025

ORANGE TOURISM FESTIVAL | January 16, 2025

Inaanyayahan namin ang Quezonian Artists!!!

Sumali na sa ORANGE TOURISM FESTIVAL na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ng Quezon Provincial Tourism Office bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng NATIONAL ARTS MONTH 2025.

Makakasama natin dito ang yaman ng lalawigan sa sining bilang ating RESOURCE PERSONS na sina: MAESTRO NILO B. ALCALA- MUSIC, JONAZ EVORA- DANCE, AR. DOLAN REYES- ARCHITECTURE, SIR VIM NADERA- LITERATURE-TULA, SININGNING REYNALES- PAINTING, DIREK LEM LORCA- FILM, DIREK MARCO ANTONIO RODAS- THEATER ARTS at GINOONG CHEF COCOY VENTURA- COCOLINARY.

Isang magandang pagkakataon sa magiging kalahok ng palihan upang mapaunlad ang angking galing sa kinabibilangang sining at pagkakataon na makasama ang iba pang kalahok na mga alagad ng sining. Isang pambihirang karanasan din ng magiging kalahok ang hatid na ganda ng AGRI-TOURISM FARM ng lalawigan bilang lugar ng palihan na magaganap sa magkakaibang schedule ngayong darating na ika-5, 6 at 7 ng Pebrero at ika-11, 12 at 13 ng Pebrero. At sa Quezon Convention Center sa ika-19 at 20 ng Pebrero.

Pipili lamang ng hanggang 20 kalahok sa bawat kategoriya ng palihan.

TINGNAN ANG IBA PANG DETALYE AT MAGREGISTER NA SA GOOGLE FORM LINK:

https://forms.gle/zDaC2ektpseY4y7t5

#orangetourismfestival

#nationalartsmonth2025

#agritourismfarm

#TAraNasaquezon


Quezon Tourism