NDRM 2023 Blood Donation Drive | July 05, 2923

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM), nagsagawa ng Blood Donation Drive ang Provincial Disaster Risk Reduction And Management Council (PDRRMC) ngayong araw, Hulyo 5 sa 2nd Floor, SM Lucena City.
Sa tulong ng QMC – Blood Bank, Philippine Red Cross – Quezon Chapter, Lucena City at SM City Lucena ay nakapagkolekta ng 115 units of blood.
Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, marami tayong mga kalalawigan ang matutulungan sa usaping pangkalusugan at para na rin madugtungan ang kanilang buhay.
Source: Quezon PIO