Naimbitahan ang PGO-PACSEDU na Maki-isa sa Ginanap na Monthly Meeting ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) ng Sariaya, Quezon | January 27, 2023

Naimbitahan ang PGO-PACSEDU na Maki-isa sa Ginanap na Monthly Meeting ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) ng Sariaya, Quezon | January 27, 2023

Naimbitahan ang PGO-PACSEDU na maki-isa sa ginanap na monthly meeting ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) ng Sariaya Quezon na ito ay binubuo ng mga pangulo ng mga samahan ng mangingisda sa Sariaya. Inilahad ng mga kawani ng PGO- Pacsedu sa katauhan nila Mr. Karl Niño Sisperez, Sanny Cortez, Mr. Alberto Catacutan at Mr. Ladislao Magmanlac Municipal Coordinator ng Sariaya Quezon, ang mga duties and function ng PGO PACSEDU/CSO office kung saan pangunahing responsabilidad ay ang magorganisa, gumabay at magpalakas ng sectoral at community organization. Ibinihagi din ng mga kawani ang nilalaman ng People’s Empowerment Development Program na ito ang programa ng tanggapan upang palakasin ang mga batayang sektor sa probinsya ng Quezon at inulat din ang mga nangyari at kaganapan sa ginanap na Fishery Summit noong nakaraang taon.Dumalo at nagbigay rin ng suporta sa nasabing pagpupulong ang representative galing sa Municipal Agriculture Office ng Sariaya.

Nagkaroon din ng courtesy visit at pagpupulong sa Sariaya Provincial Satellite Office sa pangunguna ng kanilang Admin Ms. Mary Joy Dinglasan. Para sa partnership at pakikipagugnayan sa mga gawain upang lalong maayos at mapaganda ang serbisyo sa mga batayang sektor sa Sariaya.