Meat Processing Seminar dinaluhan ng Rural Improvement Club sa Calauag, Quezon | November 8-9, 2022

Naging matagumpay ang isinagawang dalawang (2) araw na Meat Processing Seminar sa bayan ng Calauag, Quezon sa pangunguna ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) katuwang ang Office of the Muncipal Agriculturist (OMA) na sinuportahan din ng LGU-Calauag.
Dinaluhan ng mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) ang meat processing lecture at nakibahagi sa Hands on Demonstration kung paano gumawa ng siomai, toccino, quekiam at iba pang mga meat products na katulad nito. Naging tagapagturo rito sina Gng. Ma. Bella Castro, Gng. Marilou Daya at Gng. Jhody-Ner Mendania ng Livestock and Poultry Support Services Division (LPSSD).
Ang pagkakaroon ng ganitong programa ng pagsasanay ay napakalaking tulong upang mapalawak ang kaalamang pangkabuhayan ng mga miyembro ng RIC. Gayundin, para lubusang matulungan ang nasabing samahan ay namahagi rin ang tanggapan ng forages para magkaroon ng alternatibong pamakain sa kanilang mga alagang hayop.
Ang aktibidad na ito ay bahagi pa rin ng mga serbisyo ng tanggapan upang matulungan ang mga farmers’ associations, organizations, at cooperatives na makapagbukas ng mga oportunidad na makadaragdag sa pagkakitaan ng kanilang mga miyembro.