May Pera sa Bunot – Meeting with Prosource Manufacturing Inc. and Naturloop (Foreign Investor) | February 02, 2023

May Pera sa Bunot – Meeting with Prosource Manufacturing Inc. and Naturloop (Foreign Investor) | February 02, 2023

May Pera sa Bunot

Nakita ng isang foreign company na ang lalawigan ng Quezon ay pwedeng maging sustainable na pagkukunan ng coconut husk o bunot para sa kanilang cocoboard product. Magandang balita ito para sa ating mga magniniyog sapagkat magkakaroon sila ng dagdag na kita na magmumula sa bunot na madalas ay itinatapon lamang.

Nakipagpulong tayo sa Prosource Manufacturing Inc. at Naturloop patungkol sa proposal na gawing primary source ng coconut husk ang Quezon. Kaugnay nito, magsasagawa ang nasabing kumpanya ng 1 year pilot testing for system and supply chain kasama ang Quezon Federation Union of Cooperatives (QFUC) at ang Office of the Provincial Agriculture (OPA) upang masiguro ang sapat na supply ng bunot na magmumula sa mga munisipalidad ng ating lalawigan.