Matagumpay na naisakatuparan ang isinagawang “World Wildlife Day Celebration 2025” | March 21, 2025

Matagumpay na naisakatuparan ang isinagawang “World Wildlife Day Celebration 2025” sa pangunguna ni PGDH John Francis L. Luzano, PGADH Emmanuel A. Calayag, Ecosystems Management Division Head Lyndon T. Luna, Ecosystems Management Division at Administrative Division ng PGENRO Quezon na ginanap kahapon ika-20 ng Marso sa Quezon Capitol, Lucena City.
Higit na naging mas matagumpay ito, sa tulong at pag-suporta ng bawat MENROfficer, mga paaralan, mga guro, coaches, mga kaibigan at mga magulang ng mga kalahok na binubuo ng labing-pitong (17) Municipalities sa lalawigan ng Quezon.
Ginanap ang selebrasyon ng World Wildlife Day 2025 sa pamamagitan ng mga patimpalak gaya ng pagpapamalas ng galing sa pag-pinta “Poster Making Contest” na may labing-anim (16) na kalahok at ng tagisan ng talino sa “Wild Minds Quiz Bee” na may labing-pitong (17) kalahok.
Ang pakikiisa sa mga aktibidad kagaya nito ay malaking bahagi sapagkat ito ay naka-angkla sa pangunahing agenda ng ating mahal na ina ng lalawigan Gov. Angelina “Doktora Helen” Tan, na higit sa makakapagpakita ng pag-suportang ito ay ang mga kabataan na siyang magsisilbing pag-asa ng pamilyang Quezonian.
Nagtapos ang aktibidad sa pagtatanghal ng tatlong nangunang mga mag-aaral sa bawat patimpalak na isinagawa:
Poster Making Contest:
1st Place – Chrisnel Faye S. Marilla, Atimonan Quezon
2nd Place – Angel P. Baroja, Pagbilao Quezon
3rd Place – Ma. Joerish Elisha, M. Garin, Tiaong Quezon
Wild Minds Quiz Bee
1st Place – Reingh Alexander C. Nadera, Tayabas City Quezon
2nd Place – Kezia Claire Lois V. Mendoza, Catanauan Quezon
3rd Place – Tiaong Quezon
Ang PG-ENRO ay bumabati at nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa aktibidad na aming isinagawa, makakaasa po kayo mula sa aming tanggapan ang patuloy na magbigay ng inspirasyon sa ating mga Quezonian’s,
CONRATULATIONS!
#WWD2025
#WorldWildlifeDayCelebration2025
#WildlifeConservationFinance
#PGENROQuezonInAction
#STANQuezonBetterTogether
#SerbisyongTunayAtNatural
Quezon PIO / PG-ENRO