Maraming Salamat Serbisyong Tunay at Natural | March 22, 2025

Maraming salamat, Serbisyong Tunay At Natural!
Sa walang sawang pagbibigay ng “Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan” o Medical Mission ay matagumpay na naihatid ang iba’t ibang libreng serbisyong medikal sa limang pinakamalalayong bayan sa Quezon. Ang isla ng PANUKULAN, POLLILIO, BURDEOS, PATNANUNGAN at JOMALIG nitong araw ng Marso 14 hanggang 18.
Lugod na nagpapasalamat si Governor Doktora Helen Tan kasama si Vice Governor Third Alcala sa mga kasamang naglingkod sa nasabing programa. Ang mga espesyalista, doktor at mga kawani na nagtulong-tulong upang mahatiran ng serbisyong medikal ang mga mamamayang malayo sa kabihasnan.
Umulan man o umaraw, umabot sa 18,379 ang mga naging benepisyaryo sa medical mission kung saan, 3,021 sa Panukulan, 3,705 sa Pollilio, 5,003 sa Burdeos, 3,279 sa Patnanungan at 3,371 sa Jomalig na nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan sa mga serbisyong natamasa sa programa.
Ang dedikasyon at hindi matatawarang malasakit ay hindi lamang nagbigay ng kaginhawaan sa mga pasyente, kundi nagbigay din ng lunas sa kanilang pag aalinlangang makapagpagamot at nagbigay ng panibagong pag-asa sa buong komunidad.
Nawa’y magpatuloy ang ating pagtutulungan at pagkakaisa sa pag-abot ng isang malusog na lalawigan para sa lahat ng Quezonian.
#KalingasaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO