Mahigpit na Pagsunod sa Waste Segregation ng PGENRO alinsunod sa RA 9003 | April 2, 2025

Mahigpit na Pagsunod sa Waste Segregation ng PGENRO alinsunod sa RA 9003 | April 2, 2025

Regular at wastong paghihiwalay ng mga nabubulok, hindi-nabubulok, at mga basurang nareresiklo mula sa iba’t ibang opisina ng pamahalaang panlalawigan ang lingguhang isinasagawa ng PGENRO – Environmental Management Division, katuwang ang bawat focal persons ng bawat opisina alinsunod sa pagsunod sa Republic Act 9003, Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na isinasagawa sa former Quezon Provincial Jail, Lucena City na syang nagsisilbing disposal facility, March 24-28, 2025.
Ang pag-recover ng mga nareresiklo, pag-compost, at pagbabawas ng mga basura ang isa sa pinakamahahalagang hakbangin upang mabawasan at maiwasan ang polusyon na maaaring maging dulot ng mga ito upang maisakatuparan ang hangaring matiyak ang maayos at balanseng kalikasan.

#QuezonProvince


Quezon PIO