Ika-98 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | May 31, 2024

“The health and welfare of our young ones are crucial in nation building and well- being of our society.” ito ang sinabi ni Board Member JJ Aquivido sa ginanap na Ika- 98 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ngayong araw ng Biyernes, Mayo 31.
Isinulong sa sesyon ni Committee on Health Chairperson Hon. John Joseph Aquivido ang pag implementa ng Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 bilang ordinansang panlalawigan na layong mabigyan ng libreng bakuna ang mga sanggol at mga batang hindi lalagpas ng limang taong gulang upang makaiwas sa mga sakit gaya ng tuberculosis, diptheria, tetanus and pertussis, poliomyelitis, measles, mumps, rubella o german measles, hepatitis-b, influenza type b (HIB).
Samantala inaprubahan naman ang mga ordinansang bayan, resolusyon at liham mula sa Pamahalaang Panlalawigan na ang hangarin ay ang mapanatili ang tuloy- tuloy na pagpapaganda at pagpapalawig ng serbisyong panglehislatura para sa bawat mamamayan.
Source: Quezon PIO