Free Flu Vaccination | January 26, 2025

Free Flu Vaccination | January 26, 2025

Upang mabigyang proteksyon sa sakit ang mga Quezonian, nagbigay ng tinatayang 2000 libreng Flu Vaccine si Governor Doktora Helen Tan, katuwang ang Department of Health (DOH), ngayong araw Enero 26, sa Brgy. Lita at Brgy. San Isidro, Tayabas City.

Ang flu vaccine ay isang bakuna na nagbibigay proteksyon laban sa influenza o trangkaso. Tumutulong ito upang maiwasan ang malubhang sintomas, komplikasyon, at pagkalat ng sakit. Inirerekomenda itong kunin taon-taon, lalo na para sa mga bata, matatanda, buntis, at mga taong may kahinaan sa immune system.

Ipinaabot din ni Governor Tan na hindi lamang libreng flu vaccine ang handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga mamamayan ng Quezon, may mga medical mission, kapartner na drugs store, pampublikong ospital at mga Satellite offices na tutugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga Quezonian.

Samantala, abangan ang mga susunod na schedule ng medical mission na bababaan ng gobernadora upang maiabot sa mamamayan ang serbisyong pangkalusugan.


Quezon PIO