Free Flu Vaccination in Partnership with Department of Health (DOH) – Lucban and Mauban | January 29, 2025

Free Flu Vaccination in Partnership with Department of Health (DOH) – Lucban and Mauban | January 29, 2025

Sakit ay Iwasan, Kalusugan ating Pangalagaan

Nakapagbigay ng tinatayang humigit 1,600 na libreng Flu Vaccine sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang Department of Health (DOH) ngayong araw Enero 29, sa mga bayan ng Mauban at Lucban.

Ang flu vaccine ay isang bakuna na nagpoprotekta laban sa influenza o trangkaso. Nakakatulong ito upang maiwasan ang malubhang sintomas, komplikasyon, at pagkalat ng sakit. Inirerekomenda itong kunin taon-taon, lalo na para sa mga bata, matatanda, buntis na anim na buwan pataas, at mga may mahinang immune system.

Ibinahagi naman ni Governor Tan na bukod sa flu vaccine ay naghahandog din ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga mamamayan ng Quezon ng mga serbisyo sa pamamagitan ng mga medical mission, kapartner na drugs store, diagnostic center, pampublikong ospital at mga Satellite offices na tutugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga Quezonian.

Gayundin, pinasalamatan din ni Governor Tan ang mga Medical Team na galing sa bayan ng Gumaca sa kanilang dedikasyon sa pagtulong na maprotektahan ang kalusugan ng mga mamayang Quezonian.

Samantala, abangan ang mga susunod na schedule ng medical mission na bababaan ng gobernadora upang maiabot sa mamamayan ang serbisyong pangkalusugan.


Quezon PIO