E-Konsulta Orientation | April 26, 2024

Upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng Konsulta program, isinagawa ang E-Konsulta Orientation kahapon, Abril 26 sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Layun ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang PhilHealth na may inisyatibo ng programa na mas mapalawak pa ang Konsulta program sa buong lalawigan ng Quezon, kung kaya’t pinaghahandaan na ang malawakang pagrerehistro ng ating mga kalalawigan sa nasabing programa para maging benepisyaryo ng libreng serbisyong medikal.
Ito ay tutugon sa libreng Konsultasyon, Laboratoryo, at mga Gamot na maaring ma-avail ng ating mga kalalawigan kasama na din ang tamang datos at estado ng kalusugan ng bawat isa.
Hinihikaya ang lahat ng Quezonian na magparehistro sa Konsulta program at magtungo sa pinakamalapit na Konsulta Package Provider o ospital sa inyong lugar.
Source: Quezon PIO