Courtesy Call of Lucena United Doctors Hospital & Medical Center (LUDHMC) | November 29, 2023

Bumisita ngayong araw ng Myerkules, Nobyembre 29 sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang pamunuan ng Lucena United Doctors Hospital and Medical Center (LUDHMC) sa pangunguna ni LUDHMC President and CEO Ms. Lucky Diaz.
Napag-usapan ang mga plano patungkol sa pagpapalawak ng ilang mga serbisyo na nais maipatupad ng naturang ospital, para sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na serbisyong medikal katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan.
Samantala, nakasama rin sa nasabing pulong sina QPHN-QMC Chief of Hospital Dr. Juan Eugenio Fidel Villanueva, Former LUDH President Dr. Tonet Valencia at Dra. Shiela Tan Marino.
Hangad ng Gobernadora na maibigay ang nararapat na tulong at serbisyo para sa bawat mamamayan ng Quezon, kung kaya’t patuloy ang pagsisikap na makipag-ugnayan sa mga pampubliko at pribadong ospital sa lalawigan upang mas marami ang makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa oras ng pangangailangan.
Source: Quezon PIO