Weather Advisory | January 18, 2023
Magandang tanghali, mga ka-lalawigan!
Ang Low Pressure Area (LPA) na nasa silangan ng Visayas ay nalusaw na kaninang umaga, habang ang isa pang LPA sa kanluran ng bansa ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Samantala, ang Shear Line (pagsasama ng malamig na hangin mula sa Hanging Amihan o Northeast Monsoon, at mainit na hanging mula sa Karagatang Pasipiko) ang kasalukuyang nakakaapekto sa lalawigan ng Quezon.
Dahil dito ay asahan pa rin ang mga mahina hanggang sa katamtaman na may minsang malalakas na pag-uulan sa loob ng 24 oras.
Posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga hazard-prone areas, lalo na sa kung may katagalan ang mga pag-uulan.
Mag-ingat po ang lahat!