NEWS AND UPDATE

Formal Oath Taking of New Provincial Confederation of TODA’s Municipal Presidents, Strategic Planning Workshop and Capacity Development Training | November 21, 2024

Formal Oath Taking of New Provincial Confederation of TODA’s Municipal Presidents, Strategic Planning Workshop and Capacity Development Training | November 21, 2024

Isinagawa ang Formal Oath Taking of New Provincial Confederation of TODA’s Municipal Presidents, Strategic Planning Workshop and Capacity Development Training sa Ouan’s Farm & Resort, Lucena City ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 21.

Sa ngalan ni Governor Doktora Helen Tan pinangunahan ng PGO-PACSEDU sa pamumuno ni Antonio L. Manrique ang nasabing programa na dinaluhan nina DTI Provincial Director Julieta Tadiosa, LTO Team Leader Christian Tolentino, PAG-IBIG Fund Rep. Francis Rosas, PACSEDU Program Officer Sanny Cortez, PACSEDU 3rd District Secretary Maureen Misolas, Head Educ. & Training Momoy Regodon, Agriculture Marketing Consultant Ariel Mañala, TODA-QUEZON President Joselito Cantos, TODA-QUEZON Vice President Hilario Quinto at ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na nagmula sa iba’t-ibang bayan ng Quezon.

Layunin ng pagpupulong na mabigyang pansin ang sektor ng pampublikong transportasyon ng lalawigan partikular ang TODA-QUEZON upang magkaroon ng koordinasyon patungkol sa mga kaukulang benepisyo, plano at proyektong maihahandog para sa kanilang hanay.

Sa huli, nanumpa ang mga itinalagang pangulo na kakatawan para mas mapatibay ang pagkakaisa ng samahan.


Quezon PIO

Quezon Lambanog Summit 2024 | August 14, 2024

Quezon Lambanog Summit 2024 | August 14, 2024

Kauna-unahang QUEZON LAMBANOG SUMMIT, malugod na dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Senator Maria Imelda Josefa Remedios “Imee” R. Marcos bilang panauhing pandangal ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 14 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

May temang “Quezon Lambanog: Opportunities, Challenges, and Impact to Tourism” ang nasabing programa na pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist at dinaluhan ng mga magniniyog, distillers, sellers, at resellers ng lambanog sa buong lalawigan.

Matatandaang nito lamang Marso 2024 ay hinirang ang Lambanog ng Quezon Province bilang ikalawang best spirit sa buong mundo ng kilalang online food and travel guide na TasteAtlas, kung kaya’t ang pangunahing layunin ng summit ay mas mapaigting at mapaunlad pa ang produksyon ng lambanog.

Sa mensaheng inihayag ni Senator Imee Marcos, kanyang sinigurado na may kasangga ang lalawigan ng Quezon sa senado para sa pagpapayabong ng kanilang industriya ng niyog. Bitbit din ng Senadora ang libreng Nutribun para sa mga kabataan.

Ayon naman kay Governor Tan, patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan upang makapagbigay ng sustenableng hanapbuhay para sa bawat Quezonian na magniniyog, at kanyang ibinahagi ang paglalagay na ng selyo at FDA Approved ng bawat Lambanog na mula sa lalawigan.

Samantala, nagkaroon din ng panunumpa ng mga miyembro ng Quezon Lambanog Industry Development Council (QLIDC), paglulunsad ng Niyogyugan Foundation, at presentation ng Quezon Coconut Industry Road Map (2024-2026).

<hr>
<b><i class=”bi bi-c-circle”></i> Quezon PIO</b>

Akun-An at Hambujan Festival 2023 – Ribbon Cutting and Opening of Agri Trade Fair | April 11, 2023

Akun-An at Hambujan Festival 2023 – Ribbon Cutting and Opening of Agri Trade Fair | April 11, 2023

Opisyal nang binuksan ang pagdiriwang ng Aku-an at Hambujan Festival 2023 kasabay ng 188th Founding Anniversary bayan ng Dolores, Quezon ngayong araw ng Martes, ika-11 ng Abril. Ang nasabing pagdiriwang ay ginagawa upang kilalanin ang mga magigiting na magsasaka at ipamalas ang masiglang Agri-Turismo ng nasabing bayan.

Sinimulan ang nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng isang banal na Misa sa Parish & National Shrine of Our Lady of Sorrows at sinundan ng Grand Parade na kung saan ay personal na dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan, mga kawani mula sa Lokal na Pamahalaan ng Dolores at iba’t-ibang organisasyon.

Isinagawa din ngayong araw ang Ribbon Cutting ng Agri Trade Fair kung saan ay ibinida ng mga magsasaka ang kanilang masiglang ani ng mga gulay, kung saan ay naging isang malaking ambag sa pagpapaunlad ng kanilang Agri Turismo.

Source: Quezon PIO

Libreng kapunan na hatid ng OPV para sa mga Fur Parents ng Sampaloc, Quezon, naging matagumpay! November 7, 2022

Nitong ika-7 ng Nobyembre, ang Animal Health and Welfare Division ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ay inanyayahan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA) ng Sampaloc upang magsagawa ng libreng kapunan o spay and neuter para sa mga alagang aso at pusa ng ating mga kalalawigan.

Patuloy na nagbibigay ng ganitong serbiyo ang tanggapan dahil ang mga hayop ay nabubuhay ng mas matagal kapag ito ay nakapon. Kapag na-spay o na-neuter ang mga alagang hayop, hindi lamang binibigyan natin sila ng mas malusog na buhay kundi ginagawa rin natin ang ating bahagi upang mabawasan ang populasyon ng mga ligaw na hayop sa ating lalawigan.

Para sa mga katanungan hinggil sa kung kailan o saan nagsasagawa ng libreng kapunan sa inyong lugar, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa inyong Local Government Units (LGU).

Provincial Swine Artificial Insemination Center Monthly Accomplishment Report for the Month of October 2022

Semen distributed: 325
Animals Inseminated: 257
Farmers served: 227
Male : 194
Female : 33

Municipalities served :
I – Pagbilao,Tayabas City
II – Sariaya, Lucena City
III – Padre Burgos, Unisan, Agdangan
IV – Atimonan

11 clients assisted and given with 39 IEC materials on pig production and management.

Animal Health and Welfare Division Quezon Provincial Veterinary Health Center Accomplishment Report for the Month of October 2022

Animals Attended: 374
• Dog – 271
• Cat – 48
• Pig – 10
• Chicken – 5
• Goat – 35
• Cattle – 5

Clients Served: 209
• Male – 86
• Female – 123

Animals Vaccinated: 164
Animals Dewormed: 110
Animals provided with Vitamins: 31
Animals for Consultation & Treatment: 52
Animals spayed/neutered: 22

Hello world!

Welcome to WordPress. This is your first post. Edit or delete it, then start writing!