NEWS AND UPDATE

124th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | November 25, 2024

124th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | November 25, 2024

TINGNAN: 124th Sangguniang Panlalawigan Regular Session

Sa walang patid na pag seserbisyo sa mamayang Quezonian, pormal na ginanap ang ika-124 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 25 sa Kalilayan Hall, Lucena City.

Sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala kasama ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan ay naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, Atas tagapag-paganap at iba pang liham, alinsunod sa mas lalo pang pag-unlad ng lalawigan ng Quezon.

Samantala, aprobado ng sanggunian ang resolusyon na inihain ni Governor Doktora Helen Tan patungkol sa madaliang pamamahagi ng Special Risk Allowance (SRA) katuwang ang Center for Health Development IV-A CALABARZON upang magbigay ng benepisyo sa mga health workers bilang tugon sa Health emergency dulot ng COVID-19 sa Quezon Provincial Hospital Network partikular sa bayan ng Polillo.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Barangay Disaster Risk Reduction Management (BDRRM) Summit 2024 | November 25, 2024

Barangay Disaster Risk Reduction Management (BDRRM) Summit 2024 | November 25, 2024

HAPPENING NOW: Barangay Disaster Risk Reduction Management (BDRRM) Summit 2024

November 25,2024 | Quezon Convention Center, Lucena City

Livestream: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/901126552205316


Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan | November 23, 2024

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan | November 23, 2024

Matagumpay na naihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission sa Brgy. Lusacan, Tiaong nitong araw ng Sabado, Nobyembre 23.

Pinangunahan ito ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Vice Governor Third Alcala, Volunteer Doctor/Surgeon Doc Kim Tan, at Board Member Vinnette Alcala-Naca katuwang ang iba’t-ibang doktor at espesyalista kung saan umabot sa 4,582 benepisyaryo ang nakinabang sa medical, surgical, at dental na mga serbisyo.

Kasabay namang ginanap sa nasabing bayan ang pamamahagi nagkakahalagang P55,000 na mga gamot para sa 31 Barangay na magsisilbing pantawid tulong para sa mga may iniindang sakit upang masiguro na natutugunan ang pangkalusugan na pangangailangan.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon

#lingapsamamamayanlibrenggamutan

#MedicalMission2024


Quezon PIO

Quezon Youth Leadership Training and Seminar on Drug-Free and Terrorism-Free Communities | November 23, 2024

Quezon Youth Leadership Training and Seminar on Drug-Free and Terrorism-Free Communities | November 23, 2024

Para sa pagsulong ng mabuting kinabukasan ng mga kabataang Quezonian, ginanap ang Quezon Youth Leadership Training and Seminar On Drug-Free and Terrorism-Free Communities sa pangunguna ng PGO-PYDO sa pamumuno ni Provincial Youth Development Officer John Carlo Villasin ngayong araw ng Sabado, Nobyembre 23 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Dinaluhan ito nina PNP Deputy Provincial Director PLTCOL Reynaldo P. Reyes, PMCS Chief Erick Estelar, SKPF President Jackelyn Delimos, Anacleto A. Alcala IV, LYDO Sweet Romulo kasama ang mga kabataan na nagmula sa iba’t ibang munisipalidad ng Quezon.

Layunin ng naturang programa na makapagbigay ng kamalayan ukol sa masamang epekto ng ilegal na droga, banta ng terorismo at estratihiya kung paano ito maiiwasan gayundin na maitaguyod ang kapayapaan, disiplina at responsableng pamumuno sa lalawigan ng Quezon.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO

PASKONG QUEZONIAN 2024: Christmas in COCOlandia | November 22, 2024

PASKONG QUEZONIAN 2024: Christmas in COCOlandia | November 22, 2024

MAGKAKASAMA NGAYONG PASKO!🎄✨

Isang Pamilya, Isang Probinsya.

Nagliwanag ang buong Kapitolyo matapos na pormal nang buksan ang “PASKONG QUEZONIAN 2024: Christmas in COCOlandia” ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 22 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Kumukuti-kutitap sa ganda ang mga pailaw na dekorasyon sa iba’t-ibang bahagi ng Perez Park, Lucena City na nagbigay ngiti sa mga dumalo ng nasabing switch-on at opening program kung saan natunghayaan din ang Official Release ng 2024 Christmas ID gayundin ang magarbong Fireworks Display.

Samantala, binigyang-diin ng Gobernadora na sa kabila ng pagsubok na dala ng mga nagdaang kalamidad sa lalawigan ay hangad niyang manatiling puno ng pag-asa at katatagan ang mga Quezonian.

Nakiisa rin sa ginanap na pagpapailaw ang ilang punong bayan sa lalawigan ng Quezon at ang mga punong tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan.

Abangan naman ang iba’t-ibang aktibidad na inihanda ng Provincial Tourism Office sa mga susunod na araw para sa masayang Paskong Quezonian ngayong taon.

#PaskongQuezonian2024

#TAraNasaQuezon

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO