
Nagsagawa ng mga Seminar ang Office of the Provincial Veterinarian (OPV) sa pamamagitan ni Dr. Adelberto Ambrocio | January 27, 2025
Nagsagawa ng mga Seminar ang Office of the Provincial Veterinarian (OPV) sa pamamagitan ni Dr. Adelberto Ambrocio, sa mga bayan ng General Luna, Gumaca, San Andres, Macalelon, Mulanay, at Mauban, para sa mga Swine farmers na tinamaan ng African Swine Fever (ASF). Ito ay isinagawa mula January 13-24, 2025.
Tinalakay sa seminar ang ASF Prevention, Control, and Recovery na naglalayong ipaalam sa mga naapektuhang swine farmers kung paano ang tamang cleaning and disinfection upang mapuksa ang mga virus na maaaring nakadikit pa sa ilang parte o sulok ng babuyan. Tinalakay rin ni Dr. Ambrocio kung paano ang mga dapat gawin kunsakaling sila ay magsisimula muling mag-alaga ng baboy upang makaiwas na tamaan uli ng ASF.
Namigay din ang tanggapan ng mga disinfectants at detergents sa nga kalalawigan nating nagkaroon ng ASF upang magamit nila sa cleaning and disinfection ng kanilang mga nakontaminadong babuyan.
Quezon PIO